Año: LGUs, mas pinabilis na ang pagproseso sa aplikasyon ng mga telcos

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Interior Secretary Eduardo Año

Mas pinabilis na ng mga pamahalaang lokal ang pagproseso sa mga aplikasyon ng telecommunication companies para sa pagtatayo ng mga towers, na layong paigtingin ang mobile at internet connection sa bansa.

Ito ay pagtugon sa naunang kautusuan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iba’t-ibang mga ahensya na huwag nang patagalin ang pagproseso ng mga aplikasyon.

Inatasan din ng pangulo ang mga telcos na ayusin ang kanilang serbisyo sa publiko lalo na’t ngayon na maraming umaasa sa internet, tulad ng mga mag-aaral na pumapasok sa online classes.

“Last week po nung nag-usap tayo, 574 po ung na-approve. Tumaas po ito, naging 1,171 this week. Ibig sabihin po doble. Ang natira na lang po ay 428 applications, puro bago na po ito. Ibig sabihin po complying. Very commendatory po ung Manila LGU under Mayor Isko kasi ginawa nila, one time, lahat talaga po in-approve nila. So no more pending in Manila. I hope other LGUs will follow,” wika ni Interior Secretary Eduardo Año noong Oktubre 5.

Tinanggal na ang requirements para sa pagtatayo ng Passive Telecommunications Tower Infrastructure (PTTI), bukod sa kinakailangang building permit at night clearance permits.

Paliwanag ng kalihim, “Automatic na po, pag ma-comply nila ang permit, approved na po, will go on since last month up to the next 3 years. I dont think may reason pa po ang telcos na sabihing nahihirapan sila.”

Ayon sa pangulo, dapat nang wakasan ang mahabang application process ng mga telcos dahil nauuwi lamang aniya ito sa kurapsyon.

LATEST

LATEST

TRENDING