‘Huwag sayangin’: Tagle, hinikayat ang mga Pinoy na ibahagi sa iba ang regalo at pagmamahal ng Diyos

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
dating Archbishop of Manila Cardinal Luis Antonio Tagle

Hinikayat ni dating Archbishop of Manila Cardinal Luis Antonio Tagle ang mga Pilipino noong Oktubre 4 na ibahagi at huwag sayangin ang mga regalo at pagmamaahal ng Diyos, nang idaos nito ang kanyang kauna-unahang misa simula noong gumaling sa Covid-19 at pagbalik mula sa Roma.

Si Tagle ay nagpositibo sa nakamamatay na sakit nang dumating ito sa Manila noong Setyembre 11. Ang kardinal, na nananatili sa Vatican bilang kabahagi ng Roman Curia o ang Gabinete ng Santo Papa simula Pebrero 2020, ay bumalik sa Pilipinas upang magbakasyon at bisitahin ang kanyang mga magulang.

“Let us appreciate what we have. And if what we have is more than what we need, share with others,” ani Tagle, ang kasalukuyang prefect of the Holy Office’s Congregation for the Evangelization of Peoples, sa kanyang homily sa Manila Cathedral.

Dagdag pa nito, “My dear brothers and sisters, during this moment of crisis, this pandemic, when resources are scarce, when some people have even lost jobs, we are being asked to review our lifestyle, our priorities. Baka ang dami nating sinasayang.”

Hinikayat ni Tagle ang mga Pilipino na magpasalamat at buksan ang mata sa pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng ibang tao.

Aniya, “Yung mga may edad, may sakit, hindi sila pabigat; regalo ng Diyos. Mahalin, igalang, alagaan. Sana, we will never say again, ‘What a waste’, because we will all learn how to value God’s presence and love.”

“Every act of love is a gift that must be appreciated, nurtured, valued and not to be wasted. Every brother or sister is a gift. Kahit na yung pinakamakulit na tao sa buhay ninyo, regalo pa rin yan ng Diyos. Huwag sayangin. Huwag itatapon,” diin ni Tagle.

Dagdag pa nito, “Yung mga babae na matutuklasan na buntis sila, hindi problema yan. Hindi mo pinaglilihi ang problema. Ang pinaglilihi mo buhay, tao, regalo ng Diyos. Hindi ‘yan dapat tinatapon, ‘yan ay dapat inaalagaan.”

LATEST

LATEST

TRENDING