De Lima, nais paimbestigahan ang Manila Bay ‘white sand’ project

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Marianne Bermudez (Inquirer)

Nais paimbestigahan ni Senador Leila de Lima ang kontrobersyal na ₱389-milyong beautification project sa Manila Bay, na inilarawan ng mga kritiko bilang pagsasayang sa pera ng taumbayan.

Sa inilabas na pahayag noong Oktubre 3, sinabi ni De Lima na inihain nito ang Senate Bill 532, na layong paimbestigahan ang overlaying ng dinurog na dolomite sa dalampasigan ng Manila Bay.

Ayon sa senador, posible sanang nagamit ang nasabing pondo ng “white sand” upang tugunan ang 5.2 milyong nagugutom na mga pamilya bunsod ng pandemiya, o di kaya ay ilaan ito sa sistemang pagkalusugan bilanag kabahagi ng Covid-19 response.

The makeover of Manila Bay shows that this administration’s priorities lean towards cosmetic beautification rather than health, economic aid, or education. Now is the opportune time to conduct this investigation as we are nearing fiscal year 2021 deliberations in Congress (Ang makeover ng Manila Bay ay sumasalamin sa prayoridad ng administrasyon na mas binibigyang atensyon ang pagpapaganda kaysa sa kalusugan, ayuda, o edukasyon. Ngayon na ang tamang panahon upang isagawa ang imbestigasyon habang nalalapit na ang 2021 deliberations sa Kongreso),” dagdag pa nito.

Unang sinabi ng Environment advocate na Oceana Philippines na ang paglalagay ng dolomite ay “total waste of taxpayers’ money” sapagkat aanurin lamang aniya ng ulan ang synthetic na buhangin.

Dinepensahan naman ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at sinabing naglagay na sila ng mga “pangontra” upang hindi mangyari ang pinangangambahan.

Nagbabala naman ang mga dalubhasa mula University of the Philippines na ang paggamit ng ‘white sand’ bilang kabahagi ng rehabilitation program ay maaaring makapagdulot ng banta sa kalusugan at sa marine environment.

Sinabi naman ng Health Department na walang masamang epekto sa kalusugan ang dolomite sand dahil hindi ito masyadong maliit upang malanghap.

Naglabas din ng ulat ang DENR na nagsasabing hindi hazardous ang dolomite sand, alinsunod sa mga isinagawang test na nagpakitang hindi hinigitan ng samples ang limitasyon ng ahensya na nakasaad sa Revised Procedures and Standards for the Management of Hazardous Wastes.

LATEST

LATEST

TRENDING