Velasco, hinikayat si Cayetano na ipasa ang 2021 badyet at mag-resign sa Okt. 14

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Marinduque Rep. Lord Allan Velasco

Umapela si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kay House of Representatives Speaker Alan Peter Cayetano noong Oktubre 2 na tapusin na ang deliberasyon sa ipinapanukalang P4.5-trilyong national budget para sa 2021 at mag-resign na ito sa Oktubre 14.

Speaker Cayetano, you gave your word in front of the President to honor the term-sharing agreement. Please, I appeal to you, finish the budget and resign on October 14 (nangako ka na sa harap ng pangulo upang igalang ang term-sharing agreement. Pakiusap, umaapela ako sayo, tapusin na ang badyet at mag-resign sa Oktubre 14),” ani Velasco.

Dagdag pa nito, “In the coming days and weeks and months, let us show the public that we, as your representatives, are still decent, honorable, and trustworthy leaders whose only agenda is to serve the people (Sa darating na mga araw, ipakita natin sa publiko na tayo bilang mga representante, ay disente, kagalang-galang, at katiwa-tiwalang mga lider na layon lamang magserbisyo sa publiko).”

Ayon kay Velasco, ang pananatili ni Cayetano sa puwesto dahil sa kasalukuyang budget deliberations ay kahina-hinala.

Aniya, “Budget ba ito para sa bayan o budget ng mga barkada mo? Makabuluhang budget ba ito sa gitna ng pandemya o malaking budget ba ito para sa grupo mo?”

Binanatan ni Velasco si Cayetano, na “nang-aatake at nagpapakalat ng mga kasinungalingan” laban sa kanya.

Ito aniya ang paraan ng House Speaker para panghawakan ang kapangyarihan nito.

Noong Setyembre 30, inalok ni Cayetano na magbitiw bilang pinuno ng Kamara subalit tinanggihan din ito ng mga mambabatas sa botong 184-1-9.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Oktubre 1 na hindi na manghihimasok si Pangulong Rodrigo Duterte sa hidwaan nina Velasco at Cayetano dahil iginagalang niya ang kapasyahan ng mga mambabatas.

LATEST

LATEST