Task force, nagsampa ng reklamo sa Ombudsman laban kay ex-PhilHealth chief Morales at iba pang mga opisyal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
dating PhilHealth president at CEO Ricardo Morales

Nagsampa ng reklamo ang inter-agency task force na inatasang mag-imbestiga sa mga anomalya ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) noong Oktubre 2 sa Office of the Ombudsman laban kay dating PhilHealth president at CEO Ricardo Morales at iba pang mga opisyal ng ahensya.

SiMorales ay nahaharap sa kasong malversation at graft.

Sa inilabas nitong ulat, nagsampa ang task force ng kasong malversation laban kay senior vice-president Renato Limsiaco, at graft naman laban kay executive vice-president at chief operating officer Arnel De Jesus, at senior vice-president Israel Pargas.

Ilan sa mga pinangalanan sa nasabing reklamo ay sina: Gregorio Rulloda, vice president ng PhilHealth Regional Office sa National Capital Region, Imelda Trinidad de Vera-Pe,  Lolita Tuliao, Gemma Sibucao, at Lailani Padua.

Ang inihaing reklamo ay tungkol sa fund disbursements sa pamamagitan ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM), isang sistema kung saan isinasagawa ang advance releases para sa mga opistal tuwing may di-inaasahang mga pangyayari.

Subalit, ayon sa transmittal letter mula kay Department of Justice Undersecretary Adrian Sugay, nakasaad na ang reklamo laban sa PhilHealth officials ay limitado lamang sa mga ospital na nasa National Capital Region. 

Isinumite ng Task Force PhilHealth ang mga rekomendasyon nito kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre 14. Inaprubahan naman ito ng pangulo.

Samantala, hinikayat naman ni PhilHealth president at CEO Dante Gierran noong Oktubre 2 ang mga senior executives ng ahensya na mag-resign dahil sa mga pagkakaugnay ng mga ito sa kurapsyon.

Ito aniya ang pinakamabilis na paraan ng reorganization sa PhilHealth, giit naman ni Presidential Spokesman Harry Roque.

We support this initiative of Atty. Gierran. We are confident that he will have very good information that will guide him on whose resignation to accept… I hope, too, that he will be guided by the Senate findings, as well as the findings of Task Force PhilHealth (Suportado namin ang hakbang na ito ni Atty. Gierran. Kumpiyasa kaming may sapat siyang impormasyon na gagabay sa kanya kung kaninong resignasyon ang tatanggapin. Umaasa rin akong magagabayan siya ng mga findings ng Senado at Task Force PhilHealth,” dagdag pa ni Roque.

Nagbitiw si Morales bilang pinuno ng PhilHealth noong Agosto dahil sa iniindang karamdaman habang isinasagawa ang imbestigasyon sa ahensya.

Napag-alaman naman sa isang Senate investigation na noong Hunyo 9, na nakapaglabas ang PhilHealth ng P14 bilyong Covid funds para sa 632 health care institutions.

Sa pondong ito, P231.15 milyong ang ipinamahagi sa dialysis centers at maternity clinics, na hindi nakatuon para sa Covid-19 patients, batay sa ulat ng Senado.

LATEST

LATEST

TRENDING