Talumpati, dapat ipinahahayag sa plenaryo, hindi sa social media: kongresista

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
House Deputy Speaker Neptali Gonzales II

Pinuna ng isang kongresista noong Oktubre 3 si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco dahil sa pag-ere nito ng kanyang mga hinanaing sa social media at hindi sa plenaryo ng Kamara.

Ayon kay House Deputy Speaker Neptali Gonzales II, ang pagtalakay sa isyu ng speakership ay hindi dapat gawin sa social media platforms tulad ng Facebook.

Aniya, “Hindi kinikilala ng House of Representatives ang Facebook bilang isang platform kung saan tinatalakay ang isyu ng daily lives ng Congress. Ang akin lang hindi dapat sa Facebook.”

Sa isang 6-minute Facebook video noong Oktubre 2, inakusahan ni Velasco si House Speaker Alan Peter Cayetano ng pangho-“hostage” sa 2021 national budget sa gitna ng sigalot sa House leadership.

“Pinanood ko lang iyong panimula pero hindi ko tinuloy ang pakikinig,” ani Gonzales. 

Dagdag pa nito, “Kung anuman ang sentimiyento ni Rep. Velasco, sabihin niya sa plenary. In the same manner that the speaker was man enough and gentleman, statesman enough na sabihin ang kaniyang pahayag.”

Sinabi naman ni Velasco na hindi tinalikuran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang binuo nitong term-sharing agreement para sa House Speakership.

Tinanggihan naman ng mga mambabatas ang alok ni Cayetano na bumababa sa pagiging House Speaker noong Setyembre 30.

“Ang pag-resolve ng mga issues ay hindi sa pamamagitan ng Facebook, kundi sa pamamagitan ng mga diskusyon sa plenaryo,” wika ni Gonzales. 

Inakusahan naman ni Cayetano at ng kanyang mga kaalyado sa Kamara si Velasco ng kawalan ng kapasidad upang pamunuan ang Mababang Kapulungan.

Unang iginiit ng kampo ni Velasco na magdedeklara silang bakantehin ang House speakership kung hindi bababa si Cayetano sa puwesto sa Oktubre 14.

LATEST

LATEST

TRENDING