PhilHealth execs, inutusang magsumite ng courtesy resignation upang malinis ang ahensya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
PhilHealth president at CEO Dante Gierran

Hinikayat ang mga matataas na opisyal ng PhilHealth na magsumite ng kanilang courtesy resignations upang maisakatuapran ni PhilHealth president at CEO Dante Gierran ang pagtanggal sa mga kurakot na opisyal at i-revamp ang ahensya, pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Oktubre 2.

Nilagdaan ni Gierran ang isang September 30 memorandum na nag-uutos sa PhilHealth officials sa ilalim ng Salary Grade (SG) 26 — o may mga sahod na hindi bababa sa ₱109,593 bawat buwan — o higit pa na magsumite ng kanilang resignation letters sa Lunes, Oktubre 5.

Ayon sa Civil Service Commission, Kabilang ang PhilHealth assistant vice presidents at department managers sa ilalim ng SG 26 habang ang mga vice presidents ay nasa ilalim ng SG 27, kung saan sumasahod ang mga ito ng ₱123,839 bawat buwan. Ang mga senior vice presidents naman sa ilalim ng SG 28 ay tumatanggap ng ₱139,939 kada buwan, habang ang executive vice president ay isang step up at binabayaran ng ₱158,131 kada buwan base sa 2020 rates.

Ang awtoridad na magpatawag ng courtesy resignations ay pinapahintulutan sa ilalim ng 2019 PhilHealth board resolution, ayon sa kautusan ni Gierran.

Sinuportahan naman ng Malacañang ang hakbang na layong linisin ang mga ranggo sa PhilHealth.

Atty. Gierran knows that he does not have much time, that’s why I think it was important for him to request for all the senior executives to file their courtesy resignations because that’s the fastest way that he can reorganize (Alam ni Atty, Gierran na wala siyang malaking oras, kaya sa tingin ko importante sa kanya ang humiling ng courtesy resignation sa lahat ng senior executives dahil ito ang pinakamabilis na paraan para sa reorganization),” paliwanag ni Roque.

Si Gierran, na isang certified public accountant at abogado na dating naglingkod bilang direktor ng National Bureau of Investigation, ay itinalaga bilang pinuno ng PhilHealth noong Agosto matapos umalingawngaw ang ulat tungkol sa talamak na kurapsyon sa ahensya.

Binigyan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte si Gierran ng hanggang Disyembre upang linisin ang PhilHealth, ang ahensyang inatasan ng batas upang ipatupad ang medical benefits sa ilalim ng Universal Healthcare Law.

We are confident that he (Gierran) will have very good information that would guide him on whose resignation to accept or whose resignations to (allow) (Kampante kaming may sapat na impormasyon si Gierran na gagabay sa kanya kung kaninong resignasyon ang tatanggapin o hind),” diin ni Roque.

Dagdag pa nito,”I hope too that he will be guided by the Senate findings as well as the findings of the Task Force PhilHealth (Umaasa rin akong magagabayan siya ng mga findings ng Senado at ng Task Force PhilHealth).”

Samantala, tinanggihan naman ng Malacañang at ni Gierran ang planong pagbuwag sa PhilHealth.

LATEST

LATEST

TRENDING