PH, ika-20 sa pinakamaraming Covid cases sa mundo; DOH, sinabing bumubuti na ang health system ng bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Mas bumuti ang sistemang pangkalusugan ng bansa simula nang manalasa ang Covid-19 pandemic walong buwan na ang nakalilipas, pahayag ng Department of Health (DOH), habang pumasok ang Pilipinas sa listahan ng top 20 na mga bansang may pinakamataas na Covid-19 cases.

Batay sa datos noong Oktubre 2, pumalo na sa mahigit 316,000 ang bilang ng mga kaso sa bansa matapos makapagtala ang DOH ng karagdagang 2,611.

Dahil dito, sinundan na ng Pilipinas ang Italy, isa sa mga pinakamalubhang tinamaan ng pandemiya sa pag-uumpisa nito, ayon sa bilang ng mga coronavirus infections, base sa nakalap na datos mula Johns Hopkins University.

Ipinaliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pagtingin nang lagpas sa cumulative figure ay makapagpipinta ng mas mabuting larawan tungkol sa sitwasyon ng Covid-19 sa bansa.

Hindi na aniya kailangang tingnan ang kapasidad ng health system at government response upang mapag-alamang bumuti na ang sitwasyon ng paglaban sa pandemiya sa bansa, dagdag pa ni Vergeire.

Isa sa mga pinupunto ng ahensya ay ang pagbaba sa bilang ng mga bagong kasong naitatala noong Setyembre kumpara noong Agosto.

Sa pagitan ng Agosto 6 at 12, sinabi ng DOH na tinatayang 16,000 cases ang naitalala sa National Capital Region. Subalit, nabawasan ito nang malaki noong huling linggo ng Setyembre, kung saan 3,772 na lamang ang mga naitatalang kaso.

We may be one of the top 20 countries in the world with the number of cases, but when we look at health system capacity, it has improved tremendously (Bagama’t pasok tayo sa top 20 na mga bansang may pinakaraming kaso, makikita naman nating bumuti na ang kalagayan ng sistemang pagkulusugan ng bansa),” ani Vergeire.

Dagdag pa nito, “When we look at the recovery rate, nandoon na tayo sa 80% or more. Ang case fatality, nagse-stable po ang case fatality natin less than 2%. We have to focus on active cases and not cumulative number of cases.”

Bumuti rin aniya ang mga hakbang ng local government units (LGU) para sa contact tracing.

Aniya, “Within 48 hours, kumpleto na 100% lahat na na-contact. Nakikita natin na na-achieve na ng LGUs itong sinasagawang target na ito for contact tracing.”

Kahit na may mga positibong resulta, idiniin ni Vergeire na posible pang mas mapagbuti ang isinasagawang Covid-19 response.

Puwede pa aniyang paigtingin ng mga LGUs ang kanilang contact tracing upang maabot ang 1:37 patient-contact ratio na kasalukuyang isinasagawa sa Baguio City. 

Inamin din ng ahensya na may mga bottlenecks pa rin sa mga laboratoryo, na nauuwi sa delayed reporting ng mga kaso.

Gayunpaman, mula sa dating turnaround time na 3-5 days, ang mga RT-PCR test results ay nailalabas na sa loob ng 48 hours ngayon.

“We have to learn to live with the virus and have this new normal. Bagama’t marami na ang MGCQ, ‘wag pa rin tayong maging kampante. Hindi pa tapos ang ating laban,” paalala ni Vergeire.

LATEST

LATEST

TRENDING