DOTr, sinuspinde ang mandatoryong paggamit ng Beep cards sa EDSA Busway

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang mandatoryong paggamit ng stored value cards o “Beep” sa EDSA Busway simula Lunes, Oktubre 5.

Ito ay matapos tumanggi ang Beep card service provider na AF Payments, Inc. (AFPI) na tanggalin ang sinisingil nitong ₱80 para sa card bukod sa load.

We are saddened by the refusal of AF Payments, Inc…to waive the cost of the beep card despite consistent pleas made by the government (Ikinalulungkot namin ang pagtanggi ng AF Payments, Inc… na tanggalin ang sinisingil sa beep card bagama’t nakailang hiling na ang gobyerno),” pahayag ng DOTr.

Dagdag pa nito, “This would have made a big difference to the commuters, mostly daily wage earners who are the most affected by the Covid-19 pandemic (Nakatulong sana ito nang malaki sa mga commuters, na karamihan ay daily wage earners na pinakaapektado ng pandemiya).”

Ang suspensyon sa paggamit ng cards ay magtatagal hanggang “maresolba ang isyu.”

Ayon sa ahensya, pansamantalang ipatutupad ang dual payment system para sa mga pasahero ng EDSA Busway. Ang mga mayroon nang Beep cards ay maaari pa ring gumamit nito, subalit posible rin ang cash payments sa mga personnel ng EDSA Bus Consortia sa mg istasyon nito.

Unang inirekomenda ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo ang libreng pagbibigay ng Beep cards pati na rin ang pauna nitong load upang mabawasan ang pasanin ng mga commuters, lalo na ang mga malubhang tinamaan ng pandemiya.

Sa kanyang lingguhang programa sa radyo, sinang-ayunan ni Robredo ang mungkahi ng Department of Transportation (DOTr) na ipahinto ang paniningil ng bayad para sa Beep card matapos umani ng batikos ang “no Beep card, no ride policy” nito.

Ayon kay Robredo, malaking tulong para sa mga gipit sa bulsa ang libreng pamamahagi ng Beep cards kapag kukuha sila sa unang pagkakataon.

Aniya, “Yung mga indigent dapat binigyan na lang ng Beep card, initial load ng ₱100 para sa susunod ikaw na lang maglo-load at napapag-ipunan.”

Idiniin ng pangalawang pangulo na kung maagang nasabihan ang mga commuters tungkol sa bagong palisiya, nagkaroon sana sila ng oras para paghandaan ang karagdagang gastos sa transportasyon.

“Tulungan na lang natin, kasi ₱80 ‘yung per sasakay. Ang problema kasi natin kung hindi informed, maraming kababayan na sakto lang ‘yung dala. Ang iba, pinaghihirapan pa para magkaoon ng pamasahe pang araw araw,” dagdag pa ni Robredo.

Ang Beep card ang kasalukuyang ginagamit sa automatic fare collection system sa EDSA Busway.

Nanawagan kamakailan ang DOTr sa Beep card service provider na AF Payments, Inc. (AFPI) na tanggalin ang sinisingil nitong ₱80 para sa card at load, o di kaya ay ipasasara ito.

LATEST

LATEST

TRENDING