Roque: Duterte, “pinakaumaasa” sa Covid-19 vaccine ng China

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

“Pinakaumaasa” umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdating ng dini-develop na bakuna kontra Covid-19 ng China habang mas maraming drug companies ang nag-uulat ng progreso sa kanilang isinasagawang clinical trials, giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Oktubre 1.

Aniya, “The President is most hopeful with China, but he has also said that Johnson & Johnson is on track (Pinakaumaasa ang pangulo sa China, subalit sinabi rin nitong gumagawa na rin ang Johnson & Johnson).”

Ayon sa kumpayang Chinese na Sinovac, na sa ngayon ay nasa phase 3 ng clinical trials, interesado aniya itong magsagawa ng medical research at gumawa ng mga bakuna sa bansa.

Samantala, nire-review ng mga local vaccine experts ang ginawang bakuna ng Janssen Pharmaceutical Companies, isang subsidiary ng Johnson & Johnson.

Hinihintay din ng Pilipinas ang pagsusumite ng Russia ng karagdagang impormasyon tungkol sa ginawa nitong Sputnik V vaccine bago isakatuparan ang clinical trials.

Sinabi naman ng Department of Health na walang pressure para sa mga vaccine experts na mamimili ng bakuna mula China o Russia, na kadalasang binabanggit ni Duterte.

LATEST

LATEST