Kamara, pinalitan si Romero bilang deputy speaker

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
1-PACMAN party-list Rep. Michael Romero

Hinalal ng Kamara noong Oktubre 2 si Capiz Rep. Fredenil Castro bilang deputy speaker, na siyang pumalit kay 1-PACMAN party-list Rep. Michael Romero, isang kilalang kaalyado ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Si Castro ay tagasuporta naman ni Speaker Alan Peter Cayetano.

Humuling ng revamp si Deputy Majority Leader Xavier Jesus Romualdo para sa liderato ng Mababang Kapulungan habang isinasagawa ang plenary deliberations sa P4.5-trilyong national budget para sa 2021.

“Mr. Speaker, I move that we elect Representative Fredenil H. Castro vice Rep. Michael L. Romero,” ani Romualdo .

Wala namang tumanggi sa mosyon at ito ay inaprubahan kinalaunan.

“Representative Fred Castro is hereby designated as one of the deputy speaker(s),” giit ni Deputy Speaker Raneo Abu.

Sa pag-uumpisa ng araw, unang hinamon ni Castro si Velasco at ang kanyang mga tagasuporta na magbitiw mula sa kanilang mga puwesto kung hindi sila makikipagkooperasyon sa kasalukuyang Speaker.

Resign your leadership positions and let those who are willing to help take over (Magbitiw kayo mula sa inyong mga posisyon at hayaan ang mga nais tumulong),” giit ni Castro.

Unang inalok ni Cayetano na magbitiw bilang House Speaker nang magtalumpati ito sa mga kongresista noong Setyembre 30 matapos makipagpulong ito kay Pangulong Rodrigo Duterte at ni Velasco noong nagdaang gabi.

Tinanggihan naman ng Kamara ang resignasyon na ito sa botong 184-1-9.

LATEST

LATEST

TRENDING