Ideklarang bakante ang Speaker kung gustong baguhin ang liderato ng Kamara: Defensor

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Anakalusugan Party-List Rep. Mike Defensor

Ang mga nagnanais umanong baguhin ang liderato sa Kamara ay dapat ideklarang bakante ang puweso ng Speaker upang matukoy kung sino ang makakukuha ng boto, giit ng isang kongresistang kaalyado ni Speaker Alan Peter Cayetano noong Oktubre 1.

Ayon kay Anakalusugan Party-list Rep Mike Defensor, hindi niya irerekomenda kay Cayetano ang magbitiw dahil “nagbotohan na sila.”

Nag-alok mag-resign si Cayetano noong Setyembre 30, subalit tinanggihan ito ni Defensor, at kinalaunan ng majority ng plenaryo.

I would advise those who want a change of leadership to declare the seat vacant (Imumungkahi kongidekalarang bakante ang puwesto ng Speaker para sa mga naghahangad ng pagbabago sa liderato),” ani Defensor.

Dagdag pa nito, “I don’t think there will be a fight amongst us. It will be a question of vote and if in the end they do not get the numbers, then we should just continue our work and respect each other (Sa tingin ko walang hidwaan kapag ganito. Magbobotohan lamang at kung hindi nila makuha ang numero, patuloy lang tayo sa trabaho nang may respeto sa bawat isa.)”

Nagsalita si Cayetano sa harap ng mga mambabatas noong Miyerkules matapos makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, na itinakdang humalili kay Cayetano bilang Speaker.

Batay sa binuong kasunduan ni Duterte, itinakdang mamumuno si Cayetano sa loob ng 15 buwan bago ilipat ang posisyon ng Speaker kay Velasco na siya namang mamumuno sa nalalabing 21 buwan ng 18th Congress.

Ang 184 na mga boto na tumanggi sa resignasyon ni Cayetano ay “manipestasyon ng patuloy na pagsuporta mula sa majority ng Kamara,” ani Defensor. 

Dagdag pa, “‘Yung speakership, hindi naman ito entitlement. Hindi ito hari at may prinsipe at after bumaba ang hari, ‘yung prinsipe na ang uupo.”

Idiniin nitong hin appointed ng pangulo ang Speaker kundi ibinoboto sa pamamagitan ng “collective decision” ng mga representante.

LATEST

LATEST

TRENDING