Bagong pinuno ng PhilHealth, hindi sang-ayon sa privitization ng ahensya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
PhilHealth chief Dante Gierran

Hindi sang-ayon ang bagong pangulo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) tungkol sa iminumungkahing privatization ng ahensya, dahil maglalabas umano ito ng “maling senyales” na hindi mapagkakatiwalaan ng taumbayan ang pamahalaan.

Sa ginanap na joint hearing ng House committee on public accounts and good governance at public accountability noong Oktubre 1, tinanggihan ni PhilHealth chief Dante Gierran ang rekomendasyon ng mga mambabatas maging ang kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-privatize ang PhilHealth, na naging sentro ng mga alegasyon ng kurapsyon at iregularidad.

Aniya, “We respect the wisdom of the President, pero kung i-privatize po, ano ang mangyayari sa ating mga miyembro?”

“Are we telling the people of the Philippines, the world, that only people in the private sector can work well, na hindi tayo marunong magtrabaho ng tama? It will send a wrong signal that people in the government cannot be trusted,” giit ni Gierran.

Unang binanggit ni Duterte ang ideya ng pagbuwag o pag-privatize sa PhilHealth, subalit sinabi nitong susubukan muna niyang i-reorganize ang ahensya sa pamamagitan ng pagturing sa lahat ng empleyado nito bilang resigned.

Ayon naman kay Justice Undersecretary Adrian Sugay, na nirepresentahan ang Task Force PhilHealth bago ang panel, hindi rin nila nirekomenda ang pagbuwag sa PhilHealth.

The report was more of recommending reforms in the process of PhilHealth. We would not have gone as far as saying that we do not need PhilHealth (Ang ulat ay nagrerekomenda ng pagreporma sa mga proseso ng PhilHealh. Hindi namin sinabi na hindi namin kailangan ang PhilHealth),” ani Sugay.

Samantala, hiniling naman ng joint House noong Setyembre 30 sa Department of Justice na isama sa kanilang mga inirerekomendang sampahan ng kaso si Health Secretary Francisco Duque III.

“You really have to study the role of Secretary Duque. How can you be a chairman of the board na lagi mong sasabihin, ‘wala ako diyan, executive officers lang’, pero yung taong matagal nang nandiyan, alam na lahat ng kalokohan pinapabyaan lang,” paliwanag ni Cavite Rep. Jesus Crispin Remulla kay Sugay.

Si Duque ay nagsilbi bilang pangulo ng PhilHealth mula 2001 hanggang 2005; bilang chairman mula 2005 hanggang 2010; at muling na-reappoint noong 2017.

LATEST

LATEST