Yap, gustong maging ‘neutral’ kaya nag-abstain sa botohan tungkol sa resignasyon ni Cayetano

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
ACT-CIS Party-list Rep. Eric Yap

Sinabi ni House budget committee chair Eric Go Yap noong Oktubre 1 na nag-abstain ito sa pagboto tungkol sa resignasyon ni House Speaker Alan Peter Cayetano dahil nais nitong maging “neutral” habang nakapokus ang Kamara para sa pagpapasa ng 2021 national budget.

Sa botong 184-1-9, tinanggihan ng Mababang Kapulungan ang alok ni Cayetano na mabitiw ito bilang House Speaker isang araw matapos itong makipagpulong kasama sina Pangulong Rodrigo Duterte at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco para ayusin ang sigalot sa House speakership.

Ayon kay Yap, susundin niya kung sinuman ang maluluklok bilang House Speaker dahil iginagalang niya ang Kamara bilang institusyon.

Aniya, “I abstained po kasi mas gusto kong maging neutral dahil budget season po ngayon so gusto ko po lahat ng focus ko ilagay ko sa budget.”

“If I will go politicking with the Speaker, kawawa naman ang tao, walang magaasikaso ng budget nila. Walang taong magfofocus dun sa budget…This is the most important budget in history because ngayon tayo may pandemic, ngayon kailangan ng tao ang tamang budget that will fit their needs,” dagdag pa nito.

Layong ipasa ng Kamara sa ikahuling pagbasa ang panukalang 2021 badyet bago ito mag-adjourn sa Oktubre 15.

Iginiit din ni Yap na susunod siya sakaling tanggalin ito ng umuupong Speaker, kung si Cayetano man o Velasco.

“It is okay with me as long as sinabi ni Speaker I will obey…Kung sino po ang maging Speaker ‘yun po ang susundan ko kahit sabihin niyang wag ka na pumasok, you resign, gagawin ko po ‘yun because I respect the institution,” paliwanag ni Yap.

Nilinaw ito ni Yap bunsod ng mga usap-usapan tungkol sa pagbabago ng committee chairmanships na alinsunod sa pagpapalit ng Speaker.

Tinanggihan naman ng kampo ni Velasco ang mga nasabing usapin.

“The proposition of the Speaker [was] not to change the [committee] leadership… Cong. Velasco actually agreed to that,” ani Oriental Mindoro 1st District Rep. Salvador “Doy” Leachon.

LATEST

LATEST

TRENDING