Velasco, dapat dinipensahan ang sarili habang nagtatalumpati si Cayetano: Deputy Speaker

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque lone district Rep. Lord Allan Velasco

Tanging sarili lamang ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang dapat sisihin sa pagkabigo nito sa House Speakership, pahayag ng kaalyado ng kasalukuyang Speaker na si Rep. Alan Peter Cayetano noong Oktubre 1.

Inalok ni Cayetano na magbitiw sa puwesto subalit agaran itong tinanggihan ng majority ng mga kongresista.

Dapat umanong dinipensahan ni Velasco ang kanyang sarili nang ipahayag ni Cayetano ang kanyang privilege speech noong Setyembre 30, ayon kay House deputy speaker Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez.

Aniya, “There’s nobody to blame but himself. If I myself is a presumptive Speaker already and I’m being attacked on the floor yesterday, I should’ve (stood), I should have defended myself yesterday (Walang dapat sisihin kundi sarili niya. Kung ako ang nakatakdang maging Speaker at binabatikos na ako kahapon, dedepensahan ko ang aking sarili).”

“I assume kahapon wala rin siya sa Zoom kaya hindi man lang siya nakapaginterpellate or hindi man lang nadepensa ang kaniyang sarili. It’s not our fault na nangyari sa kanya ‘to. It’s his fault (Kasalanan niya ito),” dagdag pa ni Fernandez.

Ayon kay Fernandez, hindi nagparamdam kahit kailan si Velasco sa iba pang mga mambabatas, maging sa kanyang mga ka-partido sa PDP-Laban.

For so many months we’ve been working together (Sa dinamirami nang buwang kami ay nagtatrabaho)… hindi namin po siya nakasama. He never approached us, he never worked with us, with all the measures that we have approved that was set by the executive department (Hindi siya lumapit sa amin, hindi siya nakipagtrabaho sa amin para sa lahat ng mga inaprubahang panukala ng executive department),” giit ng kongresista.

Dagdag pa , “It’s not outmaneuvering, I would say this is the voice of the majority of the House. We have spoken that Speaker Cayetano should stay. We don’t want him to resign. Anytime they can ask for a change in leadership if they have the numbers (Hindi ito pagmamanipula. Ito ang boses ng majority ng mga miyembro ng Kamara. Nagsalita kaming dapat manatili si Cayetano. Ayaw namin siyang mag-resign. Anumang oras puwede silang magpatawag ng pagpapalit sa liderato kung nasa kanila ang numero).”

Sa isang term-sharing deal na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019, nakatakdang magbitiw si Cayetano bilang Speaker sa Oktubre 2020, matapos ang 15 buwan sa puwesto. Siya naman ay papalitan ni Velasco na magsisilbing Speaker sa nalalabing 21 buwan ng 18th Congress.

LATEST

LATEST