Velasco, binirahan si Cayetano dahil sa ‘theatrics’ nito nang mag-alok ng resignasyon bilang Speaker

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque District Rep. Lord Allan Jay Velasco

Pinaalalahanan ni Marinduque District Rep. Lord Allan Jay Velasco noong Setyembre 30 si Taguig-Pateros 1st District Rep. Allan Peter Cayetano na lisanin ang puwesto ng House Speaker sa Oktubre 14 alinsunod sa napagkasunduang term-sharing deal noong 2019.

Sa isang Facebook post, hinikayat ni Velasco si Cayetano na respetuhin ang “gentleman’s agreement,” dahil nangako umano ang kasalukuyang Speaker na magre-resign ito matapos ang 15 buwan sa pwesto.

“To Speaker Alan Peter Cayetano, it was only last night when you promised to resign on Oct. 14 when the President ordered you to honor the term-sharing agreement (kagabi lamang nangako kang magre-resign sa Oktubre 14, nang utusan ka ng pangulo na igalang ang kasunduan),” pahayag ni Velasco.

Dagdag pa nito, “The President entrusted you with the task of announcing the date of the turnover. October 14 was chosen as the date for the turnover because we committed to pass the budget before Oct. 14 and do nothing else that would disrupt or derail the process (Pinagkatiwalaan ka ng pangulo na ianunsyo ang petsa ng turnover. Oktubre 14 ang itinakdang petsa dahil nangako tayong ipapasa ang badyet bago ang petsang ito at huwag gumawa ng kahit anumang makakaantala rito).”

Si ilalim ng nasabing kasunduan na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte, uupo bilang Speaker si Cayetano sa unang 15 buwan ng 18th Congress o hanggang Oktubre, habang hahalili naman sa kanya si Velasco para sa susunod na 21 buwan.

Nag-alok namang magbitiw si Cayetano sa Kamara noong Setyembre 30 bagama’t agaran itong tinanggihan ng mga mambabatas. Binanatan din nito si Velasco at sinabing wala itong kakayanan para pamunuan ang 305 na miyembro ng Kamara.

Bumuwelta naman dito sa Velasco para sa “pamumulitika at theatrics” ni Cayetano na nagdulot lamang sa pagkaantala ng budget deliberation.

Bagama’t nananatili ang isyu tungkol sa speakership, hinikayat ni Velasco ang mga kongresista na ipasa ang badyet bago mag Oktubre 14.

Tiniyak nitong magiging isang “gracious leader” ito na makikinig at tutugon sa kanilang mga hinanaing.

But I make an earnest plea: Let us uphold the dignity of the House of Representatives by being men and women who believe in “Palabra de Honor” in keeping our word and upholding the term-sharing agreement Speaker Cayetano and I swore to honor and respect (Humihiling ako: Itaguyod natin ang dignidad ng Kamara bilang mga taong naniniwala sa “Palabra de Honor” sa pamamagitan ng pagrerespeto sa napagkasunduang term-sharing agreement namin ni Speaker Cayetano),” diin ni Velasco.

LATEST

LATEST

TRENDING