Ilang senador, tinanggihan ang planong pagbebenta ng mga ari-arian ng bansa sa Japan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Tinanggihan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III at ng ilan pang mga senador ang planong pagbebenta sa ilang war reparation properties sa Japan – bagay na iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakakuha ang Pilipinas ng apat na real estate properties bilang kabahagi ng 1956 reparations agreement sa Japan. Ang mga ito ay ang Ropponggi at Nampeidai properties sa Tokyo, at ang Noniwacho at Obanoyama sa Kobe.

May mga nakabinbing panukalang batas sa Kamara na nagsusulong para sa paggamit ng mga nasabing assets na ito upang pondohan ang pension at benefits ng mga beterano at military retirees.

Sa kanyang naging talaumpati nitong linggo, sinabi ni Duterte na ibebenta ng pamahalaan ang mga ari-arian nito upang makalikom ng pera para sa PhilHealth na ngayon ay hindi pa tiyak ang pondo bunsod ng tinatayang bilyun-bilyong nawala dahil sa kurapsyon.

Inamin naman ng Malacañang na hindi maibebenta ang mga properties sa Japan sa pagpapasya lamang ng pangulo. Kinakailangan din ang pagpapasa ng batas mula sa Kongreso, base sa isang kapasyahan ng Korte Suprema noong 1990 tungkol sa planong pagbenta ng Ropponggi property.

Ayon naman sa tatlon senador, ang anumang panukalang may kaugnay sa usapin ay agad na tatanggihan sa Senado.

It’s impractical to sell those. They are symbols of our diplomatic ties with Japan (Impraktikal ang pagbebenta nito. Mga simbolo ito ng ating ugnayang diplomatiko sa Japan),” ani Sotto.

Dagdag pa, “Besides, there are many other government properties in the Philippines that we can sell instead (May iba pang ari-arian sa bansa na maaaring ibenta sa halip).”

Unang naisipan ng pangulo na ibenta ang ilang ari-arian ng bansa tulad ng Cultural Center of the Philippines complex at Philippine International Convention Center kung magkulang ang pondo para sa Covid-19 response.

Ayon naman kay Senator Koko Pimentel, ang war reparations ay kabahagi ng public domain at hindi puwedeng ibenta, at wala rin umanong “panawgan mula sa taumbayan na ibenta ang mga ito.”

I will oppose the passage (of) that law in the Senate (Tatanggihan ko ang anumang ipapasang batas sa Senado),” giit naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon said. Sang-ayon ito sa tindig ni Foreign Secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin, Jr. hinggil sa isyu.

Binanatan ni Locsin ang hakbang na planong pagbebenta sa mga ariarian sa Japan at nagsumite pa umano ang Department of Foreign Affairs ng position paper sa Kongreso upang tanggihan ang naturang plano.

LATEST

LATEST

TRENDING