Duterte, iginagalang ang desisyon ng Kamara na panatilihing Speaker si Cayetano

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nakipagkita si Pangulong Rodrigo Duterte kay Speaker Alan Peter Cayetano noong Setyembre 30, ilang oras matapos mag-alok si Cayetano na mag-resign sa puwesto kasunod ang sigalot nito kay Marinduque Rep. Lord Allan hinggil sa Speakership.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque noong Oktubre 1, kasama rin sa nasabing pagpupulog ang asawa ni Cayetano na si Lani at kapatid na si Senador Pia Cayetano.

Tinanggihan naman nito na si Cayetano umano ang nagtakda sa meeting, dahil si Rep. Eddie Villanueva umano ang gumawa nito ilang linggo na ang nakalilipas.

Ayon kay Roque, sinabi ni Duterte sa meeting na iginagalang nito ang naging desisyon ng 184 na mga kongresista na tumanggi sa alok na resignasyon ni Cayetano upang palitan ito Velasco alinsunod sa binuong term-sharing agreement.

“The President has said he will not interfere beyond reminding the parties to honor the agreement. Hanggang doon lang ang posisyon ng Presidente. Iyan ang sinabi niya two weeks ago, pero kahapon ang sinabi na nga niya, eh with everything that has happened in the House, he accepts the decision of the lawmakers,” ani Roque.

Sinabi naman ni Roque na hindi siya tiyak kung mag-aalok ding magbitiw si Cayetano sa Oktubre 14 – ang itinakdang araw ng pagpapalit sa liderato ng Kamara batay sa napagkasunduan sa naunang meeting na kasama ang pangulo noong Setyembre 30.

Sa ilalim ng nasabing term-sharing deal na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019, nakatakdang magbitiw si Cayetano bilang Speaker sa Oktubre 2020, matapos ang 15 buwan sa puwesto. Siya naman ay papalitan ni Velasco na magsisilbing Speaker sa nalalabing 21 buwan ng 18th Congress.

Matapos ang nangyaring botohan sa Mababang Kapulungan, idiniin lamang ni Duterte kay Cayetano ang pangangailangang ipasa ang 2021 badyet nang naayon sa oras.

Binanatan naman ni Velasco ang ginawang hakbang ni Cayetano at inilarawan ito bilang “political maneuverings and theatrics” na nakaapekto sa isinasagawang budget deliberations sa Kamara.

LATEST

LATEST