Roque: Magiging ‘awkward’ kung Malacañang ang mag-aanunsyo ng bagong Speaker

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Magiging “awkward” para sa Malacañang na maglabas ng mga pahayag tungkol sa iringan sa liderato ng Kamara, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque noong Setyembre 30.

Noong Martes ng gabi, Setyembre 29, nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte kasama sina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco upang plantashin ang pagpapatupad ng binuong term-sharing agreement ng pangulo para sa dalawang kongresista noong 2019.

It will be awkward if the announcement on the leadership of the House will come from the Palace (Magiging awkward kung manggagaling sa Palasyo ang anunsyo tungkol sa liderato ng Kamara),” ani Roque.

Dagdag pa nito, “It is the House leadership that should address what has been agreed upon (Dapat lutasin ito ng liderato ng Kamara at ipatupad kung ano ang napagkasunduan).”

Hindi naman nagbigay ng karagdagang mga detalye ang tagapagsalita ng pangulo tungkol sa naging pag-uusap sa naganap na meeting sa Malacañang tungkol sa sigalot sa House speakership.

Ayon sa mga ulat, itutuloy aniya ang pagpapatupad sa nasabing kasunduan sa pagitan nina Cayetano at Velasco. Nangangahulugan itong hahalili si Velasco kay Cayetano bilang House Speaker kinalaunan.

Base sa binuong kasunduan, nakatakda si Cayetano na magsilbi bilang Speaker sa unang 15 buwan na magwawakas sa Oktubre 2020. Ang nalalabing 21 buwan naman ay pagsisilbihan ni Velasco bilang bagong House Speaker.

Nilinaw naman ni Roque na ang panghihimasok ni Duterte sa sigalot sa Kamara ay dahil ang pangulo rin ang nagsisilbing chair ng naghaharing partidong PDP-Laban.

He is the party chair of the PDP-Laban. He facilitated an agreement of sorts between the two members but that is not really a function of the President per se (Siya ang pinuno ng partidong PDP-Laban. Binuo niya ang kasunduan para sa dalawa nitong miyembro, subalit hindi talaga ito kabahagi ng tungkulin ng pangulo),” paliwanang ni Roque.

Si Velasco ay mula sa PDP-Laban, habang ang natalong running-mate ni Duterte noong 2016 na si Cayetano, ay mula sa Nacionalista party. 

LATEST

LATEST

TRENDING