Cayetano, pinaulanan ng batikos si Velasco sa Kamara

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
House Speaker Alan Peter Cayetano

Binanatan ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa Kamara ang kanyang karibal sa pagiging House Speaker na si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, bago inanunsyo ang kanyang resignasyon.

Subalit, hindi rin naisakatuparan ang planong pagbibitiw ni Cayetano dahil pinigilan ito ng iba pang mga mambabatas.

Sa halos isang oras na privilege speech, Idenetalye ni Cayetano kung papaano naging palpak si Velasco para patuyan ang kanyang sarili upang pamunuan ang halos 300 na mga miyembro ng Kamara de Representantes.

“[H]indi narinig ang kaniyang stand sa mga usaping pampubliko… Ang problema ang daming nagsasabing question mark ang kaniyang speakership. Hindi po personal… Covid eh, nagtago ka eh. Hindi ko alam kung nasa aircon kang hotel,” giit ni Cayetano.

Ang mga kaganapan sa Kamara ay nangyari matapos makipagpulong sina Cayetano at Velasco kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre 29 para ayusin ang implementasyon ng binuong term-sharing deal sa pagitan ng dalawang mambabatas. 

Nakatakdang palitan si Cayetano bilang Speaker makalipas ang 15 buwan o hanggang sa Oktubre ngayong taon. Hahalili naman bilang Speaker si Velasco para sa susunod na 21 buwan.

Lumabas ang mga ulat noong Martes ng gabi na sinang-ayunan na ng pangulo ang pagpapatupad ng nasabing “15-21 deal” at iluklok si Velasco bilang Speaker sa Oktubre 14.

Subalit, iginiit naman ni Cayetano na “fake news” ito na pinapalaganap ng kampo ni Velasco. Ayon kay Cayetano, nakiusap umano si Duterte kay Velasco na patapusin muna ng Kamara ang deliberasyon nito para sa 2021 badyet bago ito maging House Speaker.

“Nag-text brigade na [sila] na may halong fake news… The President repeatedly asked Cong. Velasco to move the term-sharing agreement to December so that Congress may be able to finish the budget… It was for the good of the country,” wika ni Cayetano.

Idinagdag pa ni Cayetano na inalok umano ni Velasco na maging “rubber stamp” para sa binalangkas ng National Expenditure Program (NEP) ng executive branch, sa halip na kilatisin ito.

Aniya, “Hindi po simple ang budget ngayon dahil may FLR (for later release) at may issue po… President is not asking us to be a rubber stamp… It was Cong. Velasco who was telling the President that we will be a rubberstamp. Kung ano daw ang NEP, ‘yun ang ipapasa eh.”

Hindi rin umano nakikipagkooperasyon si Velasco sa isinasagawang hakbang ni Cayetano na pagkasunduin ang magkabilang kampo.

“I asked Cong. Velasco to be my senior deputy speaker, a position that does not exist. But since we have never experience term sharing… it would be awkward for me to work as Speaker. Mag-join forces na tayo,” ani Cayetano.

Inakusahan din ni Cayetano si Velasco ng pagtatalikod sa kanilang kasunduan na makakapagdiwang pa si Cayetano ng kanyang ika-50 na kaarawan bilang Speaker.

Aniya, “When we made the 15-21 deal, very clear ang usapan: I have 2 budgets na ipapasa at magbe-birthday ako na ako ang Speaker. Sabi niya, birthday ko rin eh. [I said] pare, 50th birthday ko sentimental sa akin. [He said] babaw mo naman… Mababaw talaga ako.”

Gayunpaman, bagama’t tinuligsa nito si Velasco, sinabi ni Cayetano na “susundin” niya ang ang kahilingan ng pangulo.

“[I told the President] Congress will be independent but I will follow your lead…I don’t mind calling myself a follower,” giit ng kasalukuyang House Speaker.

Dagdag pa nito, “Kung gusto mo, boss, utusan mo ako mag-resign. Hindi lang as Speaker, utusan mo ko mag-resign sa House of Representatives. Kaya ko namang tumulong sa mga kababayan ko kesyo congressman ako o hindi eh, diba? I’m blessed with a wife who takes care of both districts and a brother who takes care of the whole city.”

LATEST

LATEST

TRENDING