Angara at Binay, iminungkahi ang pagkakaroon ng ‘permanenteng opisina’ para sa Pangalawang Pangulo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo

Iminungkahi ng dalawang senador noong Setyembre 30 ang pagtatayo ng “permanenteng opisina” para sa Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, dahil nagrerenta lamang aniya ang ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa sa iba’t-ibang gusali para sa opisina nito.

Walang “institutional entitlement” ang Office of the Vice President (OVP), ayon kay Sen. Sonny Angara sa isang budget hearing.

Aniya, “The vice president has no official residence, no official vehicle so talagang medyo dehado po ang OVP.”

Dapat aniyang bigyang “dignidad” ang Office of the Vice President,” giit naman ni Sen. Nancy Binay, anak ni dating Pangalawang Pangulo Jejomar Binay.

Ikinuwento ni Binay na matapos mahalal ang kanyang ama bilang Vice President noong 2010, nagrenta ito ng opisina sa headquarters ng Philippine National Bank (PNB) sa Pasay City bago lumipat sa Coconut Palace sa Cultural Center of the Philippines Complex.

Kasalukuyan namang nananatili si Vice President Leni Robredo sa Quezon City Executive House simula noong 2016.

“When my father was vice president, lagi niyang reklamo mas malaki pa ‘yung budget ng barangay namin sa Makati kaysa sa OVP,” ani Sen. Binay.

Dagdag pa nito, “Kaya ang biro niya demotion iyon [pagiging vice president],” she said.

Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye sina Angara at Binay kung paano ang gagawing hakbang ng Senado para isakatuparan ang “permanent office” para sa pangalawang pangulo.

LATEST

LATEST