Pagpapalit ng House Speaker sa Okt. 14, hindi nalinaw sa Malacañang meeting: Rep. Villafuerte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Hindi pa malinaw ang nakatakdang pagpapalit ng House Speakership sa Oktubre 14 matapos makipagpulong sina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kay Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa isang kaalyado ni Cayetano noong Setyembre 30.

Nakipagpulong si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, na kasalukuyang House speaker, at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, na nakatakdang humalili kay Cayetano sa ilalim ng isang term-sharing deal, kay Pangulong Duterte noong Setyembre 29 ng gabi.

Ayon sa kampo ni Velasco, nakatakda itong maging House Speaker sa Oktubre 14, bagama’t hindi ito nilinaw sa naganap na pagpuoulong, ayon kay Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte.

Si Villafuerte ay kaalyado ni Cayetano at dumalo rin sa nasabing meeting sa Palasyo.

No, that was not clear (Hindi ito nalinaw),” ani Villefuerte nang tanungin kung naayos na ang mga detalye tungkol sa nasabing term-sharing deal.

Dalawang minuto matapos ang pagpupulong nina Duterte kasama sina Cayetano at Velasco, iniulat ng mga news outlets na nakatakdang maging House Speaker si Velasco sa gitna ng Oktubre.

“Ang nangyari, wala pang 2 minutes, may bagong Speaker na, and then nagkaroon na ng date, October 14. I was there, wala namang sinabi ang Presidente na October 14,” pahayag ni Villafuerte.

LATEST

LATEST

TRENDING