IATF: Pilot study para sa antigen test, ‘maganda’ ang resulta

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Boy Santos (The Philippine STAR)

Positibo ang nagiging bunga ng isinasagawang pilot study tungkol sa paggamit ng antigen tests para sa Covid-19, ayon kay Inter-Agency Task Force spokesperson Harry Roque noong Setyembre 29.

Sinabi ni Roque na ang test results ng mahigit 500 na mga indibidwal ay nagpakita ng “99 percent sampling accuracy at 84 percent sensitivity.”

Kung magpapatuloy ang positibong resulta, posible aniya itong gamitin bilang pampalit sa RT-PCR sa pag-screen ng mga bisita sa mga tourist spots.

“Encouraging results so far. It’s looking very good,” ani Roque.

Dagdag pa nito, “Kung ma-validate na hindi malayo resulta ng antigen baka, pwede gamitin sa ibang tourist destinations.”

Kasalukuyang nagsasagawa ng two-week study tungkol sa antigen tests ang Department of Health (DOH) upang makatulong sa pag-screen ng mga bumibisitang turista sa Baguio City habang unti-unti itong nagbubukas sa mga turista.

Inilunsad ang nasabing pilot study bagama’t nagbabala ang World Health Organization (WHO) laban sa paggamit ng antigen tests para sa border screening.

Samantala, ayon naman kay Testing czar Vince Dizon, pinag-aaralan din ng pamahalaan ang paggamit ng breath- and saliva-based tests bukod sa antigen tests.

Bagama’t itinuturing na “gold standard” ang RT-PCR tests sa pag-detect ng Covid-19, mahal ito at kadalasang nagtatagal ng ilang araw ang paglalabas ng resulta.

Ang antigen tests ay ginagamit din upang malaman kung infected ang isang pasyente.

Kinokolekta ang sample sa pamamagitan ng nasal o throat swab, katulad ng RT-PCR. Subalit, mailalabas na ang resulta ng antigen tests sa loob lamang ng 4 hanggang 6 na oras.

LATEST

LATEST

TRENDING