Duterte, nag-alok mag-resign noon dahil sawa na ito sa kurapsyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre 28 na nag-alok itong magbitiw bilang pangulo dahil sa talamak na katiwalian sa bansa.

Aniya, “I offered to resign as president, sabi ko kasi nagsasawa na ako.”

Sinabi rin ng pangulo na base sa malawak niyang karanasan bilang opisyal ng pamahalaan, hindi matitigil ang kurapsyon.

“Even with the investigation or the clamor for government to shake the tree, wala, hanggang ngayon it’s being committed every day. Can you stop it? You cannot, there is no way,” giit ni Duterte.

Ayon kay Duterte, nakahanda siyang humarap sa mga mambabatas upang magmungkahi ng mga batas na maaaring makatugon sa kurapsyon.

I appeal again to Congress, I cannot fight corruption…I cannot find a way to move who are almost resistant to finding fault and resisting moves of government to improve. Congress might want to enact a legislation (Muli akong umaapela sa Kongreso, hindi ko malalabanan ang kurapsyon… Hindi ko maigagalaw ang mga umiiwas sa pananagutan at sumasalungat sa pamahalaan. Baka makapagpapasa ng batas ang Kongreso),” paliwanag ni Duterte.

Sinabi naman ng pangulo na isa ang Land Registration Authority sa pinaka-“notorious” na ahensya na sangkot sa kurapsyon lalo na sa mga lalawigan, dahil humawak umano ito ng maraming kaso laban sa mga opisyal noong nanunungkulan pa ito bilang Davao City prosecutor.

Nabanggit din ni Duterte na nais niyang i-reorganize ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

“Balak ko mag-reorganize and impose upon them a single line of authority,” giit ng pangulo.

Dapat aniyang i-streamline ang mga proseso ng ahensya upang mapigilan ang kurapsyon dito.

Ipinanawagan naman ng pangulo ang pagbuwag sa ahensya.

Aniya, “Kung i-privatize mo naman, susmaryosep, walang pera. Sino insurance mo…? Huwag mo sabihin ng mga kapitalista sa insurance: Kami ang magbayad? Wala kayong pondo.”

LATEST

LATEST

TRENDING