Metro Manila, mananatili sa GCQ hanggang Oktubre 31

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na panatilihin ang Metro Manila sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa loob ng isa pang buwan.

Sa isang televised na IATF-EID meeting kasama si Duterte noong Setyembre 28, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang National Capital Region (NCR), pati na rin ang lalawigan ng Batangas, at mga lungsod ng Tacloban, Bacolod, Iligan, at Iloilo, ay isasailalim sa GCQ mula Oktubre 1 hanggang 31.

Inanunsyo rin ni Duque na sasailalim ang Lanao del Sur, kabilang ang Marawi City, sa modified enhanced community quarantine upang mapigilan ang paglaganap ng Covid-19.

The rest of the country will be under (Ang natitirang bahagi ng bansa ay isasailalim sa) modified general community quarantine,” ani Duterte matapos ang ulat ni Duque.

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,073 na mga panibagong Covid-19 cases noong Setyembre 28, na nagresulta sa kabuuang 307,288 Covid-19 cases sa bansa.

Ayon sa ahensya, karamihan ng mga panibagong kaso ay mula sa NCR (1,158 cases), Cavite (225 cases), Laguna (203 cases), Rizal (173 cases), at Batangas (169 cases).

LATEST

LATEST

TRENDING