Duterte, binanatan ang Facebook dahil sa pagtanggal ng mga advocacy pages

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Binirahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre 28 ang social media networking site na Facebook dahil sa desisyon nitong tanggalin ang mga accounts na nagsusulong ng “adbokasiya” para sa ikabubuti ng taumbayan.

Aniya, “Tell me, kung bakit hindi ko magamit para sa kapakanan ng taong bayan. If government cannot use it for the good of the people, then we have to talk. We have to talk sense (Kung hindi ito magagamit ng gobyerno para sa ikabubuti ng tao, dapat tayong mag-usap).”

Ito ang naging reaksyon ng pangulo nang magpasya ang Facebook na tanggalin ang ilang mga pages at accounts na umano’y kaugnay sa pulis at militar para sa pagsasagawa ng  “coordinated inauthentic behavior” noong nakaraang linggo.

“I’ve learned in the past days, pati ang advocacy of government tinanggal, so what is the purpose of you being here (ano pa ang silbi mo rito). Facebook listen to me. We allow you to operate here hoping that you could also help us also (Facebook makinig ka. Papahintulutan ka naming mag-operasyon dito basta’t tutulungan mo rin kami),” giit ni Duterte.

Dagdag pa nito, “Now, if government cannot espouse or advocate something which is for the good of the people, then what is your purpose here in my country? (Ngayon, kung hindi na makapagsusulong ang gobyerno ng adbokasiya para sa ikabubuti ng tao, ano ang silbi mo sa bansa ko?)”

Ayon kay Duterte, hindi niya isinusulong ang “mass destruction” kundi ang pagsugpo sa rebelyon na kumitil sa buhay ng libu-libong sundalo at sibilyan sa mahigit 50 taon.

You know Facebook, insurgency is about overturning government. What would be the point of allowing you to continue if you cannot help us. We are not advocating mass destruction, we are not advocating massacre. It’s a fight of ideas (Alam mo Facebook, ang rebelyon at tungkol sa pagpapabagsak ng pamahalaan. Ano ang punto ng pananatili niyo kung hindi kayo makatutulong. Hindi namin layunin ang ‘mass destruction’ o massacre. Labanan ito ng ideya),” paliwanag ng pangulo.s

Iginiit ng pangulo na dapat ipaliwanag ng Facebook ang ginawa nitong hakbang tungkol sa mga tinanggal na accounts habang idinidiin ang mga kapinsalaang idinulot ng New People’s Army (NPA), ang armadong pangkat ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Isa sa mga pages na tinanggal ay ang “Hands Off Our Children”, kung saan isinusulong nito ang adbokasiya na pigilan ang mga menor de edad na ma-recruit sa mga organisasyong may kaugnayan sa ekstermismo.

“Tapos yung Left ini-encourage kayo, then you believe in the Left to the point of almost making a sweeping move,” wika ng pangulo.

Ikinadismaya rin ni AFP Chief-of-Staff, Lt. Gen. Gilbert Gapay, ang desisyon ng Facebook na tanggalin ang  “Hands Off Our Children”, dahil mahalaga aniya ang nasabing page sa kampanyang pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa sitwasyon ng mga bata sa kamay ng mga communist front organizations.

Lehitimo aniya ang panawagan ng grupo laban sa karahasan, dahil totoo umano ang pagre-recruit ng mga komunista sa mga estudyante upang maging kahabagi ng NPA.

LATEST