DOH: Walang problema sa pagbubukas ng bus routes basta’t masusunod ang health protocols

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: George Calvelo (ABS-CBN News)

Binigyang diin ng Department of Health (DOH) noong Setyembre 28 na walang problema sa muling pagbubukas ng mga bus routes basta’t masusunod ang mga health protocols.

“Ang primary objective natin lahat is for our population to be safe if ever we will be opening up some of the sectors of society. Ang ginagawa ng DOTr (Department of Transportation), magbubukas sila ng mga buses, mga ruta. Ang minimum health standards ay dapat ipatupad,” paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ayon kay Vergeire, ilan sa mga patakarang iniimplementa ay ang pag-check sa sintomas at ang striktong pagsusuot ng face masks at face shields. Magkakaroon din ng isang metrong distansya sa pagitan ng mga pasahero.

Aniya, “Lahat yan ay pinagtitibay, pinatutupad nang maayos para maging safe pa rin kahit magbukas tayo ng ganitong sectors of society.”

“What is most important is to monitor. Kailangan i-monitor natin ano magiging resulta ng pagbubukas natin,” dagdag pa ng opisyal.

Tiniyak naman nito sa publiko na kinokonsulta palagi ang DOH kung may mga ipinapanukalang pagpapagaan ng mga quarantine protocolsa mula sa ibang ahensya ng pamahalaan.

“Naandun tayo para magbigay ng guidance, magbigay ng inputs. We are very appreciative of the other government agencies. Every time magdedesisyon sila, they consider yung health,” wika ni Vergeire.

Ang mga sumusunod na mga ruta patungo at mula sa Metro Manila ay bubuksan na sa Setyembre 30, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board:

1. San Fernando, Pampanga – Araneta Center, Cubao, Quezon City
2. Batangas City, Batangas – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX)
3. Lemery, Batangas – PITX
4. Lipa City, Batangas – PITX
5. Nasugbu, Batangas – PITX
6. Indang, Cavite – PITX
7. Mendez, Cavite – PITX
8. Tagaytay City, Cavite – PITX
9. Ternate, Cavite – PITX
10. Calamba City, Laguna – PITX
11. Siniloan, Laguna – PITX
12. Sta. Cruz, Laguna – PITX

LATEST