Cayetano at Velasco, makikipagpulong kay PRRD tungkol sa House speakership

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco
Kuha ni: Joan Bondoc (Inquirer)

Makikipagpulong si House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang matapos ang hidwaan sa Kamara tungkol sa House speakership, ayon sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Sinabi ni PDP-Laban Executive Director Ron Munsayac na sasamahan si Velasco ng mga lider ng partido at mga kaalyadong koalisyon sa Kamara. Subalit, hindi naman nito binanggit kung anong oras mag-uumpisa ang nasabing pagpupulong.

Inendorso ng PDP-Laban noong Hunyo 2019 si Velasco upang maging House Speaker.

Pagkatapos ng isang buwan, kinilala naman ni Duterte sina Cayetano at Velasco upang maging lider ng Kamara at nagpasyang magkakaroon ang dalawa ng isang term-sharing agreement.

Sa ilalim ng nasabing kasunduan, si Cayetano ay maglilingkod sa unang 15 na buwan habang si Velasco naman ang hahalili rito at magsisilbi sa nalalabing 21 na buwan.

Para kay Velasco, dapat ipatupad ang kasunduan “para sa Diyos at sa bayan.”

Let us uphold the agreement as this was made ‘FOR GOD AND OUR COUNTRY 1521 (Igalang natin ang kasunduan dahil ginawa ito ‘PARA SA DIYOS AT BAYAN 1521’),”  ani Velasco sa isang Facebook post.

Dagdag pa nito, “I have always intended to honor the agreement. We all should. Our people deserve nothing less (Palagi kong hinangad na igalang ang kasunduan. Dapat igalang natin itong lahat. Ito ang karapat-dapat para sa taumbayan).”

Ibinahagi ni Velasco online ang kanyang mga larawan kasama sina Cayetano at Majority Leader Martin Romualdez. Nakapirma ang mga ito sa tila isang document envelope.

The covenant was crystal clear: a 15-21 term-sharing agreement. The first term expires on Sept 30, after which the second term immediately begins (Klaro ang kasunduan: isang 15-21 term-sharing agreement. Magtatapos ang unang termino sa Setyembre 30, kung saan agarang mag-uumpisa ang sunod na termino pagkatapos nito),” giit ni Velasco.

Dagdag pa nito, “That was the pledge made before the President (Ito ang pangako sa presidente).”

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque noong nakaraang linggo, walang magagawa ang pangulo kung mawala ang pagkakataon ni Velasco sa pagiging susunod na House Speaker.

LATEST

LATEST

TRENDING