40 PhilHealth officials, pinaiimbestigahan ng anti-corruption body ni PRRD

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni Mark Demayo (ABS-CBN News)

Tinatayang nasa 40 na mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) ang pinaiimbestigahan ng anti-corruption body ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga alegasyon ng anomalya, ayon sa isang opisyal noong Setyembre 28.

Kabilang sa mga nasabing opisyal ay miyembro ng PhilHealth board of directors at regional executives, pahayag ni Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Greco Belgica.

“We have, I think, around 40, as I checked noong nakaraang linggo, 40 names being investigated ng PACC,” pahayag nito sa isang press briefing sa Malacañang.

Bagama’t hindi nagbanggit si Belgica ng mga pangalan, sinabi nitong nakahanda ang PACC na magsampa ng mga kaso laban sa mga nasabing opisyal sa Office of the Ombudsman.

“Tuluy-tuloy na po ang investigation namin and yes, we will be filing cases to the Ombudsman in person,” ani Belgica.

Naunang inaprubahan ni Pangulong Duterte ngayong buwan ang naging rekomendasyon ng kanyang binuong multi-agency task na sampahan ng mga kaso ang ilang executives ng PhilHealth, kabilang na ang dati nitong pangulo na si Ricardo Morales.

LATEST

LATEST

TRENDING