UP experts: NCR, dapat manatili sa GCQ

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Jonathan Cellona (ABS-CBN News)

Kinilala ng isang UP research group noong Setyembre 26 ang pagbaba sa bilang ng Covid-19 cases sa bansa sabay giit na dapat manatili ang Metro Manila, na siyang sentro ng pandemiya, sa general community quarantine (GCQ).

Posible umanong magkaroon ng malawakang pagtaas sa bilang ng mga kaso sa panahon ng Kapaskuhan kung agarang paluluwagin ang quarantine protocols.

Inaasahang mag-aanunsyong muli ang pamahalaan ng mga panibagong quarantine protocols matapos ang nakatakdang pagtatapos ng GCQ status ng Metro Manila sa dulo ng buwan.

Bagama’t nag-“improve” na ang datos ng National Capital Region (NCR), binigyang diin ng UP group na hindi pa nito naaabot ang 28-day case doubling time na itinakda ng pandemic task force bilang prerequisite para sa pagpapagaan ng rehiyon patungo sa modified GCQ status.

The national government must sustain the GCQ status in NCR coupled with further improvements in its testing, tracing, and isolation programs not just to sustain the gains of the last MECQ but to also prevent a surge in the coming months (Dapat panatilihin ng pamahalaang nasyonal ang GCQ status sa NCR habang pinapaigting din ang testing, tracing, at isolation programs hindi lamang upang mapanatili ang mga napagtagumpayan kundi upang mapigilan ang surge sa mga darating na buwan),” ayon sa ulat ng grupo.

Ngayong buwan, nabawasan ang mga kaso ng Metro Manila at nakapagtatala na lamang ito ng 1,200 na mga panibagong cases bawat araw, o “mahigit 50 percent na pagbaba kumpara sa nakalipas na limang linggo.”

Ang Covid-19 reproduction rate— na nagsusukat sa transmission potential— ay nasa 0.74 sa Metro Manila mula Setyembre 16 hanggang 23, ayon sa datos ng UP OCTA, mas mababa sa 0.86 reproduction rate ng nakaraang linggo.

Ang positivity rate naman— o bilang ng mga taong nagpopositibo mula sa kabuuang populasyon na na-test para sa Covid-19— ay nasa 10 percent sa nakalipas na dalawang linggo sa NCR.

Gayunpaman, nagbabala pa rin ang grupo na ang maagang pagpapagaan sa paghihigpit ay maaring makapagdulot ng spike sa bilang ng mga kaso pagsapit ng Kapaskuhan.

Based on past data and trends, a premature downgrading of the quarantine status in the NCR may increase the risk of a surge in December, around Christmas time (Batay sa datos, ang maagang downgrading ng quarantine status sa NCR at maaaring pataasin ang banta ng surge sa Disyembre, sa panahon ng Kapaskuhan),” babala ng mga mananaliksik.

Sinabi ng mga opisyal ng pamahalaan na ikinokonsidera nila ang pagpapasailalim ng Metro Manila sa modified GCQ, ang pinakamaluwag sa apat na quarantine classifications.

LATEST

LATEST

TRENDING