Roque: Duterte, ‘hindi interesadong’ palawigin ang kanyang termino

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang kanyang pananatili sa Malacañang bilang pangulo, pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Setyembre 28.

Tiniyak ito ni Roque nang tanungin kung suportado ba ng pangulo ang panukalang i-postpone ang pagdaraos sa susunod na halalan.

The President is not interested in extending his term (Hindi interesado ang pangulo na palawigin ang kanyang termino),” giit ni Roque.

Ayon kay Roque, maaari lamang suspendehin ang pagdaraos ng halalan kung aamyendahan ang Saligang Batas, dahil nakasaad umano rito ang petsa ng halalan.

Batay sa 1987 Constitution, ang regular na eleksyon para sa posisyon ng pangulo, pangalawang pangulo, ay miyembro ng Kamara ay idapat isakatuparan sa ikalawang Lunes ng Mayo.

“Ang pupwede lang ma-postpone ng Kongreso yung mga eleksyon na hindi nakasaad sa saligang-batas. Kasama na diyan yung mga barangay elections,” paliwanag ng tagapagsalita ng pangulo.

Naunang tinanggihan ng Malacañang ang panukalang suspendehin ang pagdaraos ng 2022 elections dahul sa Covid-19 pandemic, dahil may “sapat” na oras naman aniya ang bansa upang paghandaan ito.

“Under the new normal, under the situation po, mukhang ang magbabago eh yung paraan kung paano mangampanya, pero patuloy po ang eleksyon,” wika ni Roque.

Binanggit din ni Roque na maaaring ikonsidera ng Commission on Elections sa “kauna-unahang pagkakataon” ang remote o mail-in voting.

Iminungkahi kamakailan ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo ang pagpapaliban sa 2022 elections, dahil baka hindi pa maging available ang bakuna kontra Covid-19 sa panahon ng halalan.

LATEST

LATEST