Mayor Vico: Mga kaso, inihahanda laban sa negosyanteng nag-demolish ng kabahayan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pasig City Mayor Vico Sotto
Kuha ni: Lisa Marie David (Rappler)

Ipinahayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto noong Setyembre 28 na inihahanda na ang mga kasong sibil at kriminal laban sa isang negosyanteng kanyang nakaaway dahil sa pagde-demolish nito ng mga bahay ng informal settlers.

Ayon kay Sotto, pinipilit ng nasabing negosyante na magtayo ng gusali sa Barangay Bambang nang walang permit mula sa local government unit (LGU). Hinrangan din nito ang isang pampublikong daan ng trak at crane, at sinira pa ang street humps. 

Criminal and civil cases are being prepared (Inihahanda ang mga kasong sibil at kriminal),” ani Sotto.

Sa isang viral video na ipinost sa website ng Sakto News, makikitang tinatanong ni Sotto ang nasabing negosyante na, “Gusto ‘nyo makulong kayo? O mumurahin mo rin ako gaya ng pagmumura mo sa tao ko?” 

“Sinubukan mong mag-demolish nang may tao sa loob ng bahay,” dagdag pa ng alkalde.

Tinanggihan ito ng negosyante, at sinabi naman ni Sotto na: “May video.” 

Pinabulaanan naman ito ng negosyante at sinabing kabahagi ng “drug den” ang mga nasabing bahay.

“Bakit hindi ka tumawag ng pulis?” tugon naman ni Sotto. 

Sinabi naman kinalaunan ng negosyante na naging “biased” ang alkalde laban sa kanya bagama’t constituent ito at taxpayer.

“As a government official, I will treat things fairly. Kung walang permit, hindi puwedeng mag-construction,” giit ni Sotto.

LATEST

LATEST

TRENDING