“Maling-mali”: Robredo, dismayado sa desisyon ng Ombudsman tungkol sa limitadong access sa SALN

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo
Kuha ni: Charlie Villegas (OVP)

Iginiit ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo noong Setyembre 27 na ang paglilimita sa access ng publiko sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ay paraan upang itago ng mga ito ang kanilang mga kayamanan.

Unang nilimitahan ng Ombudsman ang access sa SALN ng mga opisyal, at maaari lamang itong ilabas alinsunod sa opisyal na imbestigasyon, court order, o personal na pahintulot mula sa nagmamay-ari ng SALN.

“Maling-mali. Maling-mali iyong signals na binibigay,” pagbibigay diin ni Robredo.

Dagdag pa nito, “Kapag inalis mo iyong SALN ano bang mensahe iyong binibigay mo? Anong mensahe iyong binibigay mo sa tao, na ang korapsyon hindi priority ng pamahalaan?”

Sa isang ginanap na budget briefing, ipinahayag ni Ombudsman Samuel Martires sa mga mambabatas na hindi kailangan ang SALN sa mga imbestigasyon kontra katiwalian dahil posible umano itong gamitin bilang sandata laban sa mga idinidiing opisyal.

Ikinalungkot naman ito ni Robredo at binanatan ang naging halimbawa ni Martires na hindi maituturing na indikasyon ng ill-gotten wealth ang isang luxury car.

“Nakakalungkot, Ka Ely. Ilang beses ko binasa, eh kasi hindi ako makapaniwala na galing pa sa head ng opisina na dapat nag-iimbestiga,” ani Robredo sa kanyang lingguhang programa sa radyo.

Dagdag pa nito, “Parang binibigyan mo ng license iyong mga public officials na magtago ng kanilang mga yaman na hindi dapat kasi requirement iyon under the law and the Constitution.”

Ilang mga opisyal ng pamahalaan ang natanggal sa kani-kanilang mga puwesto dahil sa isyu tungkol sa SALN. Isa na rito ang yumaong dating Chief Justice na si Renato Corona.

Tinanggihan din ang appointment ni Maria Lourdes Sereno bilang chief justice dahil sa hindi ito nag-file ng kanyang SALN sa loob ng 17 taon habang nagtatrabaho bilang propesor sa University of the Philippines.

LATEST

LATEST