Cayetano, nais panatilihing House Speaker: Rep. Defensor

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor
Larawan mula sa: Daily Tribune

Ipinahayag ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor na karamihan ng mga lider ng partido sa Kamara ay pabor kay House Speaker Alan Peter Cayetano na manatili sa puwesto, bagama’t nakatakdang humalili sa kanya si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa Oktubre bunsod ng isang term-sharing deal na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Talagang gustong ipagpatuloy ang liderato ni Speaker Alan Cayetano… Sa ngayon, ang trabaho ni Speaker Alan, malinaw na malinaw — ayusin ang ekonomiya,” ani Defensor.

Si Duterte ang kasalukuyang chairperson of PDP-Laban, ang naghaharing partido kung saan miyembro rin sina Cayetano at Velasco.

Ang PDP-Laban ang kasalukuyang pinakamakapangyarihang pangkat sa Kongreso batay sa bilang, kung saan sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong nakaraang linggo na mas higit pa sa “gentlemen’s agreement” ang kinakailangan para makamtan ang pinakamataas na puwesto sa Kamara.

“Sa sitwasyon natin ngayon, hindi dapat magpalit ang ganitong klaseng liderato. Baka gumewang-gewang lang,” dagdag pa ni Defensor.

Ibinahagi ni Defensor ang naganap na pag-aaway kamakailan sa Kamara tungkol sa 2021 badyet, na kinasangkutan nina Camarines Sur 2nd District Representative Luis Raymund “LRay” Villafuerte Jr. at Negros Oriental 3rd District Arnolfo Jr. “Arnie” Teves.

“It became heated. Nag-away sila. In fact, I was involved there kasi ako ang umawat kay  Deputy Speaker LRay and Congressman Arnie,” giit ni Defensor.

Dagdag pa ng kongresista, “Sabi ko sa kanila, you know there are many young and new members of Congress and siguro it’s not proper to call names and curse at each other… Naawat ko naman… Hopefully now, it’s settled.”

LATEST

LATEST