Proklamasyon ng Duterte Youth partylist, planong kwestyunin sa SC

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Duterte Youth partylist nominee Ducielle Cardema
Larawan mula kay: Leyte Rep. Martin Romualdez (Facebook)

Nakahandang magsampa ng petisyon sa Korte Suprema ang isang grupo ng election lawyers upang kwestyunin ang pagbibigay ng Commission on Elections (COMELEC) ng certificate of proclamation sa unang nominee ng Duterte Youth partylist.

“Aming idudulog sa Supreme Court the moment ilabas ng Comelec ‘yung decision dito sa proclamation ni Ducielle Cardema,” giit ng abogadong si Emil Marañon.

Si Ducielle Cardema ay asawa ni dating National Youth Commission (NYC) chairperson Ronald Cardema, na kanyang pinalitan matapos ma-disqualify bilang nominee ng partylist dahil lagpas na ito sa required na edad upang maging youth representative. 

Binigyang diin ng mga abogado na hindi dapat nakalahok sa halalan noong 2019 ang Duterte Youth dahil hindi naman ito naparehistro.

Aniya, “Sa ilalim ng batas at Konstitusyon hindi registered ang Duterte Youth at hindi po siya dapat bigyan ng seat.”

Kaya naman nagtataka ang pangkat kung bakit ito nakalusot sa COMELEC.

“Bakit masyadong special ang treatment dito sa Duterte Youth partylist? Bakit pag sila yung involve nababali yung batas. Dapat umiral ang batas sa usaping ito?” dagdag pa ni Marañon.

LATEST

LATEST

TRENDING