DOH, hindi ‘iko-compromise’ ang pagsunod sa minimum health standards

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire

Tinanggihan ng Department of Health (DOH) noong Setyembre 26 ang panawagan na hindi isama sa pagsusuot ng face masks at face shields ang mga manggagawa sa mga opisina at pabrika, dahil ang pagsusuot ng mga ito ay makababawas umano sa banta ng pagkakahawa sa Covid-19.

“Ang amin pong punto at position mula nung umpisa, iyon pong pagsusuot ng mask at iyong pagsusuot ng face shield, iyong physical distancing, iyong paghuhugas ng kamay, iyan po ay aming sinusulong. Hindi po namin iko-compromise ang position na ito,” giit ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire.

Ayon kay Vergeire, dapat itong striktong sundin habang wala pang bakuna laban sa nakamamatay na sakit.

Batay sa pag-aaral na binanggit ni Vergeire, ang pagsusuot ng face mask at face shield, pati na rin ang pagpapanatili ng hindi bababa sa three feet na distansya mula sa ibang tao, ay nakababawas sa risk na mahawa sa Covid-19 ng 99 percent.

Ang naging pahayag ng opisyal ay pagtugon sa mungkahi ng apat ng business groups para sa pag-implementa umano ng “practical workplace protocols.”

Sa isinumiteng liham sa Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF), sinabi ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, Philippine Silk Road International Chamber of Commerce, Employers Confederation of the Philippines, at Philippine Exporters Confederation na sinusuportahan nila ang pagtiyak ng kaligtasan sa lugar na pinagtatrabahuhan.

But except for the frontliners, we respectfully take exception to the wearing of face shields inside the office and factories for the rest of our employees, since this can adversely affect their vision, physical safety and productivity (Subalit, bukod sa frontliners, humihiling kami na hindi isama sa pagsusuot ng face shields sa loob ng opisina o pabrika ang mga mga empleyado dahil makakaapekto ito sa kanilang paningin, pisikal na kaligtasan, at pagiging produktibo),” diin ng mga ito.

LATEST

LATEST

TRENDING