China, muling tinanggihan ang pagkilala sa arbitral ruling na pumabor sa PH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Xi Jinping ng China
Kuha ni: Robinson Ninal (Presidential Photo)

Binigyang diin ng China noong Setyembre 25 na hindi nito kinikilala ang 2016 arbitral ruling na nagbasura sa 9-dash line claim nito sa halos buong South China Sea— isang tagumpay na iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang makasaysayang talumpati sa United Nations General Assembly noong Setyembre 23.

Ang Hulyo 2016 na desisyon tungkol sa arbitration case ng The Hague-based Permanent Court of Arbitration ay kumilala sa sovereign rights ng Pilipinas sa exclusive economic zone nito sa South China Sea.

The award is now part of international law, beyond compromise and beyond the reach of passing governments to dilute, diminish or abandon. We firmly reject attempts to undermine it (Ang award na ito ay kabahagi na ng international law, hindi na puwedeng ikompromiso ay hindi puwedeng galawin o abandunahin ng mga pamahalaan. Mariin naming tinatanggihan ang anumang hakbang para ibasura ito),” ani Duterte.

Gayunpaman, sa isang virtual forum na inorganisa ng Association for Philippines-China Understanding Inc. (APCU), sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang umano’y “consensus” na napagkasunduan nina Duterte at Chinese President Xi Jinping na isantabi ang sigalot sa teritoryo at pag-usapan ito sa pamamagitan ng dayalogo at pakikipagkooperasyon.

China’s position on the so-called arbitral ruling has been very clear: We do not accept and we do not recognize this so-called ruling. It has been agreed by our two presidents that we should close the old chapter and shelve differences (Malinaw ang tindig ng China sa arbitral ruling: Hindi namin ito tinatanggap at kinikilala. Napagkasunduan ng dalawang pangulo na isara na ang kabanatang ito at isantabi ang mga pagkakaiba),” giit ni Huang.

Paulit-ulit na tinanggihan ng China ang nasabing ruling habang sinisikap ni Duterte na bumuo ng malapit na samahan sa mayamang bansa para pondohan ang mga proyektong pang-imprastraktura.

Nagpahayag din kamakailan ang pangulo na umaasa itong bibigyan ng prayoridad ang bansa kung makatuklas na ang China ng bakuna kontra Covid-19.

Ayon kay Huang, ang naging kasunduan nina Duterte at Xi na “isantabi” ang mga usapin tungkol sa South China Sea at pag-usapan ito sa pamamagitan ng bilateral consultations ay dapat masusing ipatupad ng magkabilang panig upang hindi maapektuhan ang relasyon ng dalawang bansa.

Sinabi naman ni Professor Jay Batongbacal, direktor ng University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, na ang patuloy na agresyon ng Beijing sa South China Sea noong nakaraang taon ay posibleng naging dahilan kung bakit tinalakay ng pangulo ang arbitral award sa UN General Assembly.

LATEST

LATEST

TRENDING