Cayetano, binisita si Rep. Paolo Duterte sa Davao

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula kay: Cong. Eric Yap (Instagram)

Habang usap-usapan ang isyu tungkol sa kung sino ang nararapat na maging House Speaker, bumisita ang kasalukuyang House Speaker na si Rep. Alan Peter Cayetano kay presidential son at Deputy Speaker Paolo Duterte sa Davao City.

Nitong weekend, Nag-post ng mga larawan si House appropriations committee chairman Eric Yap sa kanyang Instagram account kasama sina Duterte, Cayetano, ang kanyang asawang si Lani, at si House Secretary General Brian Yamsuan.

Sa kanyang unang set ng mga larawan na may caption na “chillax night,” makikita ang mga mambabatas na nagpo-pose at nakangiti matapos ang tila naging hapunan noong gabi ng Setyembre 26.

Noong Setyembre 27 ng umaga, muling nagpost si Yap ng larawan, kung saan makikita ang lahat na nakatayo nang magkakalapit sa may pool.

Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Yap kung ano ang napag-usapan sa naganap na pagpupulong.

Nangyari ang nasabing pagkikita isang linggo matapos kumalat ang text message ni Rep. Duterte kay Yap kung saan nagdulot ito ng mga usap-usapan tungkol sa posibleng pagpapatalsik kay Cayetano bilang lider ng Kamara.

Sa nasabing mensahe, nagbanta si Duterte na idedeklara niyang bakante ang speakership at deputy speakership matapos ang ilang reklamo ng mga mambabatas hinggil sa “hindi patas” na alokasyon umano ng badyet sa kani-kanilang mga distrito.

Subalit, walang naganap na kudeta noong Setyembre 21 at nagtapos ang sesyon sa loob lamang ng ilang minuto. Sinundan ito ng malawakang pagpapahayag ng suporta kay Cayetano mula sa “supermajority” ng mga kaalyado at  regional blocs, bagama’t may term-sharing deal ito kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

LATEST

LATEST

TRENDING