Provincial buses, balik-operasyon sa Setyembre 30: LTFRB

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Kinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong Setyembre 25 na magbabalik-operasyon na ang mga provincial buses na may ruta patungong Metro Manila simula Miyerkules, Setyembre 30.

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra, maglalabas ang ahensya ng memorandum circular sa weekend upang magbigay impormasyon sa mga kabilang na ruta.

Magpapatawag din ng meeting ang ahensya sa mga bus companies sa Lunes para plantsahin ang mga ipatutupad na protocols habang nasa general community quarantine.

Unang sinabi naman ni LTFRB National Capital Region director Atty. Zona Russet Tamayo na 50 percent capacity lamang ng mga provincial buses ang papahintulutan alinsunod sa itinakdang protocol ng national government.

LATEST