Pagpapaliban sa 2022 elections, nakasalalay kay PRRD at sa Kongreso: COMELEC

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Boy Santos (The Philippine STAR)

Puwede umanong suspendehin ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Kongreso ang 2022 general elections kung magtatagal pa sa nasabing panahon ang Covid-19 pandemic, giit ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Sheriff Abas noong Setyembre 24.

Sinabi ito ni Abas sa budget hearing sa Kamara kung saan tinanong ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo kung kinokonsidera ba ng COMELEC ang ganitong pangyayari.

Ayon kay Arroyo, posibleng wala pang bakuna kontra Covid-19 sa panahong iyon, kung saan magiging mataas ang banta ng impeksyon para sa mga boboto.

Aniya, “Come elections, I’m sure that if there is no vaccine yet, there will be so many contaminations during that [election] day. Has the thought that you’ll propose to postpone elections, has that triggered in your minds? (Sa halalan, tiyak akong dadami ang impeksyon kung wala pang bakuna sa araw ng eleksyon. Sumagi ba sa isip ninyo na ipagpaliban muna ang halalan?)”

Sinagot naman ito ni Abas na hindi ito nila napag-isipan dahil nakamandato aniya sa Konstitusyon ang pagdaraos ng halalan.

Hangga’t walang ibang batas, nakasaad sa Saligang Batas ang mga petsa ng regular elections para sa mga kongresista, senador, pangalawang pangulo, at pangulo.

Iginiit ni Arroyo an dapat irekomenda ng mga ahensya ang posibleng pagpapaliban ng halalan upang matanggal ang espekulasyon na nais lamang ng mga opisyal na mapabaha ang kanilang mga termino.

Sinabi naman ni Abas na susuriin pa nila kung ano ang kahihinatnan ng nararanasang krisis pangkalusugan.

Aniya, “It is a call of both chamber of the House and the President but rest assured titingnan namin ang kanyang mungkahi.”

LATEST

LATEST