Palasyo, tiniyak na hindi matitigil ang imbestigasyon sa PhilHealth

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Tiniyak ng Malacañang sa mga Pilipino noong Setyembre 25 na sinsero ang pamahalaan sa paglilinis ng kurapsyon sa Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) matapos mag-viral ang isang hashtag tungkol sa nasabing isyu.

Ang hashtag na #wag_kalimutan_yung_binulsang_15billion_sa_philhealth_challenge ay shinare ng mga netizens sa parehong Facebook at Twitter ilang araw lamang matapos umalingawngaw ang photo challenge sa Manila Bay “white sand” project.

There is no letup in our drive to make erring officials of PhilHealth accountable for their alleged misdeeds (Hindi matitigil ang hakbang na panagutin ang mga tiwaling opisyal ng PhilHealth para sa kanilang mga kasalanan),” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon sa tagapagsalita ng pangulo, isinasapinal na aniya ng Department of Justice (DOJ) ang mga ihahaing reklamo laban sa mga tiwaling opisyal.

 “Zero tolerance against corruption is not just a catchphrase but a serious matter in the current administration (Ang zero tolerance laban sa kurapsyon ay hindi lamang kasabihan kundi seryosong palisiya ng kasalukuyang administrasyon),” he added.

Nauna namang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga naging rekomendasyon ng kanyang binuong multi-agency task force na sampahan ng mga kaso ang ilang executives ng PhilHealth, kabilang ang dati nitong pangulo na si Ricardo Morales.

LATEST

LATEST

TRENDING