COMELEC, humihiling ng mas mataas na badyet para sa ligtas na 2022 elections

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Ted Aljibe (AFP Photo)

Humihiling ang Commission on Elections (COMELEC) ng mas mataas na badyet para sa 2021 upang ligtas na maisakatuparan ang 2022 elections sakaling umabot pa sa nasabing taon ang Covid-19 pandemic.

Sa ginanap na budget hearing sa Kamara, sinabi ni COMELEC spokesperson James Jimenez noong Setyembre 24 na malaking bahagi ng kanilang proposed budget ay nakatuon sa pagkalap ng mas maraming vote-counting machines o VCMs upang mabawasan ang contact ng mga tao, sakaling magkaroon ng “new normal” scenario na wala pang bakuna kontra Covid-19.

Aniya, “Ang balak po ng Comelec para sa 2022 is to make sure na ang halalan ay magiging ligtas sa ating mga kababayan na boboto. Kaya po tayo nananawagan ngayon sa Kongreso na sana ma-restore yung aming budget at makuha natin yung buong pangangailangan natin ay para makapagdagdag tayo ng makina.”

Unang humiling ng ₱30.673-bilyong badyet para sa 2021, subalit kinaltasan ito ng Department of Budget and Management at ginawang ₱14.565 bilyon na lamang.

Sa ipinanukalang ₱23 bilyon para sa pag-arkila ng mga VCMs at iba pang aktibidad para sa halalan, ₱8.8 bilyon lamang ang inaprubahan sa National Expenditure Program.

“Ine-expect natin na dadami ang ating botante dahil year on year dumadami ang list of voters. Kapag madaming botante at nagsisiksikan sila sa isang makina, medyo unsafe po iyan dahil sa sitwasyon nating pandemya ngayon,” giit ni Jimenez.

Dagdag pa nito, “One of the cornerstones of that campaign is to ensure na mas kaunti ang gagamit per machine which means we’re going to need more machines than the ones that we have now (kung saan nangangahulugan itong mas maraming makina pa ang kakailanganin natin).”

Ayon naman kay COMELEC Chairman Sheriff Abas, nagmungkahi sila na mag-arkila ng panibagong uri ng makina at palitan ang mga VCMs na ginamit noong 2016 at 2019 elections.

LATEST

LATEST

TRENDING