NCR mayors, ibabatay ang lockdown proposal sa datos ng DOH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Muling magpupulong ang mga alkalde ng Metro Manila sa Linggo, Setyembre 27, upang talakayin ang kanilang magiging rekomendasyon tungkol sa estado ng lockdown sa Kamaynilaan sa nakatakdang pagtatapos ng general community quarantine (GCQ) status sa Setyembre 30, ayon sa kanilang representante noong Setyembre 24.

“Isa pong magiging (basehan) dito ‘yung data na ipe-present ng DOH. Alam naman po natin na kapag dinowngrade sa MGCQ (modified GCQ) mas maluwag ang magiging protocol na ating ipatutupad sa LGUs. Lalo na ang occupancy rates ng mga negosyo na dating 30 percent magiging 50 percent na ang karamihan dun sa ating industry,” giit ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez.

Sinusunod ng mga lungsod sa Kalakhang Maynila ang patakarang ipinatutupad ng Inter-agency Task Force ukol sa granular lockdowns at home quarantine, kung saan ilalagay sa isang isolation facility ang mga Covid-19 patients habang isasailalim naman sa lockdown ang tahanan nito.

“Ibig sabihin babantayan ang bahay nila at wala silang palalabasin sa kanilang bahay at tutulungan po ‘yan ng ayuda at local government unit,” dagdag pa ni Olivares.

LATEST

LATEST

TRENDING