Duterte: Climate change, dapat agarang tugunan tulad ng Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre 23 ang mga bansang kalahok sa Paris Agreement na tuparin ang kanilang mga pangako na labanan ang climate change.

We call on all parties, especially those who have not made good their commitment to fight climate change, to honor the same (Nananawagan kami sa lahat ng kalahok, lalo na ang hindi  tinutupad ang kanilang pangako na tuparin ito at labanan ang climate change),” giit ng pangulo sa High-Level Debate ng 75th United Nations General Assembly.

Pinakaapektado ang mga developing na bansa tulad ng Pilipinas sa epekto ng climate change, na “lumala” dahil sa pananalasa ng Covid-19 pandemi.

We cannot afford to suffer more (Hindi natin kayang mas lalo pang magdusa),” dagdag pa ni Duterte.

Magkasing-halaga ang pagtugon aniya sa pandemiya at climate change.

Noong 2017, nilagdaan ni Duterte ang Paris Agreement na layong bawasan ang emission ng gases na sanhi ng global warming.

Nangako ang bansa na babawasan ng 70-percent ang emissions sa taong 2030.

LATEST

LATEST

TRENDING