DSWD, nais gamitin ang natitirang P10-B SAP funds bilang livelihood assistance

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: DSWD IV-A

Gustong gamitin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P10-bilyong pondo nitong hindi pa nagagamit mula sa ikalawang bugso ng social amelioration program para sa livelihood assistance grant.

“Meron tayong request sa Department of Buget and Management na i-repurpose o gamitin sa ibang purpose ‘yung anticipated natin na unutilized funds para sa livelihood assistance grant,” ani DSWD Spokesperson Irene Dumlao.

Dagdag pa nito, “Ang Livelihood Assistance Grant is part of the recovery phase of the social amelioration program kung kaya kahit sila ay nakatanggap ng emergency subsidy at natukoy sila for the livelihood assistance grant, magpapatuloy at makakatanggap sila ng tulong.”

Naunang ibinunyag sa isang Senate budget hearing na may P10 bilyong unused funds ang ahensya mula sa ikalawang alon ng SAP.

Ayon kay Dumlao, nag-recalibrate ng target ang DSWD para sa ikalawang tranche sa 17 milyong benepisyaryo at kinailangang idagdag ang limang milyong waitlisted na mga benepisyaryo.  

Subalit, ang ilang beneficiaries ay binilang bilang duplicate at ineligible, at kinalaunan ay tinanggalan mula sa listahan.

“And ‘yung additional na 5 million target, 3.2 million lamang ang naisumite ng mga lokal na pamahalaan hence, nagkaroon na po tayo ng deduction doon sa ating target. And because nagkaroon ng deduction ng target, meron na tayong anticipated na unutilized fund ito nga po ‘yung nabanggit na P10-billion,” paliwanag ni Dumlao.
 
Samantala, hinikayat naman ng opsiyal ang mga hindi pa nakatatanggap ng ayuda na makipag-ugnayan sa ahensya o sa kanilang local welfare office upang malaman kung nagkulang ang mga ito ng impormasyon tungkol sa financial service providers ng DSWD na siyang magpoproseso ng kanilang mga transaction accounts.
 
“Talaga pong tinatapos na natin ito sa buwan na ito, mangilan-ngilan na lamang po ang inaayos natin,” wika ni Dumlao.

LATEST

LATEST

TRENDING