Asawa ni Cardema, ipoproklama bilang Duterte Youth party-list rep

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Duterte Youth party list Rep. Ducielle Cardema at Ronald Cardema

Nakatakdang mag-isyu ng Comission on Elections (COMELEC) ng certificate of proclamation para isang representante ng kontrobersyal na Duterte Youth Party-list, pahayag ng isang election official.

Kinumpirma ni COMELEC chairman Sheriff Abas sa isang budget hearing sa Kamara noong Setyembre 24 na nagpaplano ang COMELEC na iproklama si Ducielle Cardema, asawa ni Ronald Cardema, sa loob ng linggo upang gawing opisyal ang pagkapanalo ng party-list group sa 2019 elections.

“Just two weeks ago, we already [approved] the granting of the Certificate of Proclamation to the partylist of Duterte Youth with the name of Ducielle Cardema as the representative, finally,” ani Abas.

Dagdag pa nito, “Hopefully, meron nang apat na nakapirma diyan.”

“Hopefully, maka-release kami ng certificate of proclamation within the week,” giit ng opisyal.

Sinabi ni Abas ang kumpirmasyon matapos magbanta si Northern Samar Rep. Paul Daza na tatanggihan ang panukalang badyet ng COMELEC kung walang pagreresolba sa nasabing isyu ng Duterte Youth.

Nababawasan po tayo ng isang member ng House who could have helped youth in their sector,” Daza said. Every day of delay is every day of being unjust,” diin ni Daza.

Nagsumite naman ang ilang abogado at youth representatives ng liham sa COMELEC upang salungatan ang proklamasyon ni Ducielle Cardema, dahil hindi aniya duly-registered ang Duterte Youth Party-list.

Naunang kinansela ng COMELEC ang plano ni Ronald Cardema na maging party-list representative, dahil sa misrepresentation nito sa kanyang kwalipikasyon bilang youth sector nominee na mahigit 25-anyos dapat.

Batay sa Party-list System Act, ang nominee ng youth sector ay hindi dapat lumagpas ng 30-anyos.

LATEST

LATEST

TRENDING