Alvarez, hiniling na maging ‘masaya’ si Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
dating House Speaker Pantaleon Alvarez

Hiniling ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang kaligayahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, bagama’t hindi pa nagkakausap ang dalawa matapos siyang patalsikin bilang pinuno ng Kamara dalawang taon na ang nakalilipas.

Stay safe and healthy and also, happy especially (Manatiling ligtas at malusog, at siyempre masaya),” hiling ni Alvarez sa pangulo.

Naiulat na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na anak ng pangulo, ang nasa likod aniya nag pagtanggal kay Alvarez bago ang State of the Nation Address ng pangulo noong 2018.

Ayon kay Alvarez, hindi pa niya nakakausap si Mayor Sara simula noong siya’y bumaba bilang Speaker.

“Puwede naman tayong magkaisa nang hindi kailangan mag-usap. Ang sinasabi ko lang huwag kayong mag-away-away sa issues. Magkaisa tayo paano natin ibangon ang bansa,” wika ng dating House Speaker.

Gayunpaman, binanggit ng mambabatas na “palpak” ang pagtugon ng pamahalaan sa Covid-19.

Sinabi rin nitong dapat “may utak” ang susunod na pangulo upang lutasin ang mahabang epekto ng krisis.

LATEST

LATEST

TRENDING