Alvarez, hinikayat si Velasco na hayaan na lang si Cayetano na maging Speaker

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco

Hinikayat ng dating House Speaker ng Kamara noong Setyembre 23 si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na hayaang manatili si Speaker Alan Peter Cayetano sa puwesto bagama’t may term-sharing silang dalawa.

Sa kasunduang binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakatakdang maglingkod bilang Speaker si Cayetano sa 15 buwan o hanggang Oktubre, bago ito palitan ni Velasco.

“Kung naumpisahan na ni Cong. Alan Peter Cayetano iyan, ipatapos mo na sa kaniya iyan. Para sa bayan na lang, magkaisa tayo,” giit ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez. 

Dagdag pa nito,  “Next year, 2021, filing ng certificate of candidacy. Kung mayroon mang magandang magagawa, ano pang magagawa ng bagong Speaker? Let’s be practical about it.” 

Karamihan ng mga mambabatas ang nagnanais na manatili si Cayetano bilang pinuno ng Kamara, ayon naman kay Deputy Speaker LRay Villafuerte.

Sinabi naman ni Velasco na interesado siya sa pagiging Speaker at “tahimik” umano siyang nagtratrabaho, taliwas sa paratang ni Villafuerte na hindi ito naging aktibo sa Kongreso at nanahimik lamang sa mga maiinit na isyu.

Ang planong pagluklok kay Velasco bilang speaker noong 2019 ay suportado ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na siyang nasa likod umano ng pagpapatalsik kay Alvarez.

LATEST

LATEST