PRRD, nanawagan para sa pangangalaga sa karapatan ng migrant workers ngayong Covid-19 pandemic

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lider ng mga bansa sa mundo na protektahan ang karapatan ng mga migrant workers habang nasa gitna ng Covid-19 pandemic.

In these times, we need stronger cooperation in promoting and protecting the rights of migrants, regardless of their migrant status (Sa panahon ngayon, kinakailangan nating mas palakasin ang kooperasyon at pagprotekta sa karapatan ng mga migrants kahit anuman ang estado ng mga ito),” giit ni Duterte sa isang pre-recorded speech sa ginanap na United Nations General Assembly noong Setyembre 23 (Philippine time).

Ipinahayag ni Duterte sa UN body na mahigit 345,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang eligible para sa repatriation, subalit inaming kalahati pa lamang sa bilang na ito ang nakakauwi ng bansa.

Sinabi rin ng pangulo na nakipag-partner ang pamahalaan sa International Maritime Organization (IMO) para sa pagtatatag ng Green Lane upang mapabilis ang pagbaba at pagrelyebo ng mga Pilipinong manlalayag.

Kinilala rin ng pangulo ang mga naging sakripisyo ng mga OFWs, na walang patid sa pagtatrabaho bagama’t nasa gitna ng pandemiya.

Pinasalamatan naman din nito ang mga bansa na nagbigay ng residence permits sa mga OFWs, access sa Covid-19 testing, treatment, at iba pang health services.

Binanggit din ni Duterte sa kanyang talumpati sa UNGA na handa ang Pilipinas na tumanggap ng refugees, tulad ng mga Rohinya galing Myanmar.

Binigyang diin nitong may mahabang kasaysayan ang bansa sa pagtanggap ng mga refugees mula sa White Russians na apektado 1917 Revolution hanggang sa mga Iranians na naapektuhan ng 1979 Revolution.

Helping the most vulnerable – those displaced by conflict, persecution, and political instability – is a shared responsibility of all countries. In the face of a mounting refugee crisis worldwide, let us work together towards endi ng the conflicts and conditions that force people to flee their homes (Ang pagtulong sa mga bulnerable – ang mga naapektuhan ng digmaan, persecution, at political instability – ay responsibilidad ng lahat ng mga bansa. Sa patuloy na pag-arankada ng refugee crisis sa mundo, magtulungan tayo upang wakasan ang hidwaan at mga kondisyong nag-uudyok sa mga tao na lisanin ang kani-kanilang mga tahanan),” paglilinaw ng pangulo.

LATEST