Kamara, nais ipasa ang 2021 badyet sa Oktubre: Rep. Villafuerte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Layon ng Kamara na ipasa ang 2021 budget sa ikahuling pagbasa bago mag-adjourn ang Kongreso sa Oktubre 15, giit ng isang deputy speaker noong Setyembre 22.

Ito ay upang matalakay ng Senado ang panukala isang buwan matapos magbalik ang sesyon ng Kamara, ayon kay Camarines Sur 2nd Disrict Rep. Lray Villafuerte.

“Ang target namin by Oct. 15 pasado yan, yan din ang challenge namin sa Senate…Kami may kumpiyansa kami, lahat ng SONA commitments ni Pangulo pasado na namin, nasa Senate na,” ani Villafuerte.

Nang tanungin kung naayos na ang sigalot ng mga mambabatas, sinabi ni Villafuerte na “okay” na ito.

Aniya, “Okay naman po, 300 ang congressmen, may iba dyan may concerns, kami lang kasi gusto namin maayos ang budget, hindi ma-delay. Kung may individual, district concern pwede naman pagusapan nang maayos. Hindi dapat daanin sa init ng ulo ito.”

Naiulat na napabilang sa mainit na bangayan si Villafuerte sa isang Viber group kasama si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. na kinuwestyon ang malakng alokasyon ng 2021 badyet para sa Camarines Sur (CamSur) at Taguig.

“Ang malaki si Cong. Teves, sabi ko nga ‘Pare swerte ka P2 billion nilaan ng national government sayo samantalang 165 districts ang mas mababang nakuha kesa sayo. Yung sa akin, yung sinasabing P11.8 (billion) ‘di naman totoo yan,'” giit ni Villafuerte.

Dagdag pa nito, “Sabi ko mas malaki yung sayo, P2 billion ka per district, sa’min P10 billion dapat.”

Susuriin din ng mga mambabatas ang pagkakaroon ng “double appropriations” sa proposed 2021 budget matapos itong punain ni Sen. Panfilo Lacson, wika ni Villafuerte.

Ang lump sum proposal ng Department of Public Works and Highways ay iwinasto na umano.

“Nung sinubmit yung NEP (National Expenditure Program), yung DPWH naka-lump sum pero after 3 days sinubmit nila yung addendum na line per line. Kumbaga kinulang sila sa oras,” paliwanag ng mambabatas.

LATEST

LATEST

TRENDING